MARCOS AT DUTERTE| Dalawang Pangulo na nagpahalaga sa Manila Bay


Ang Manila Bay ang isa sana sa pinaka dinadayo ng mga turista sa Pilipinas kung hindi lang ito nababoy ng mga walang disiplinang Pilipino. Para sa kaalaman ng lahat, ang umpisa ng pagdurusa ng Manila Bay ay sa panahon ni Cory Aquino.

Noong panahon na si Pangulong Ferdinand E. Marcos pa ang namumuno sa Pilipinas ay malinis ang Manila Bay. Disiplinado kasi ang mga Pilipino noon at may maayos na pamamahala sa ating bansa ang Marcos Administration.



Hindi lamang ang Manila Bay kundi lahat ng mga lugar sa Pilipinas kagaya ng Pasig River ay napanatili ang kalinisan.



Matapos ang panunungkulan ni Pangulong Marcos ay napabayaan na ang mga ito. Pinabayaan ni Cory Aquino malunod sa basura ang Manila Bay at nagtuloy-tuloy hanggang sa panahon ni Noynoy Aquino.

Nagkaroon tayo ng isang Pangulo mula sa Davao na sinasabi ng dilawan na diktador kagaya umano ni Marcos subalit isa itong pangulo na may magandang hangarin sa ating bansa at taliwas sa mga sinasabi ng mga makasariling opisyal.



Nagkaroon ng mandate si Duterte para umpisahan ang rehabilitasyon sa Manila Bay na binaboy ng mga kapwa nating Pilipino.

Sa unang araw ng rehabilitasyon ng Manila Bay ay nakita sa mga Pilipino ang kultura ng pagkakaroon ng bayanihan. Libo-libong mga Pilipino ang nakilahok sa unang araw ng paglilinis sa Manila Bay.


Agad itong nag viral sa social media kung paano gumanda agad ang Manila Bay sa unang araw palang ng Rehabilitasyon.

Kung walang isang Duterte, magpapatuloy ang masangsang na amoy at pagbaha ng mga basura sa Manila Bay. Nais ng Duterte Administration na gawing parang Boracay ng Metro Manila ang Manila Bay.

Tanging si Marcos at Duterte lang ang nagpahalaga sa ating kalikasan at dapat alam ito ng taumbayan.

Loading...