Written by: Sangkay Janjan
Paalala lang sa ating mga kababayan, hindi isinalin sa ating mga libro ang tunay na kasaysayan ng Pilipinas lalo na ang katotohanan tungkol sa Golden Age ng ating bansa noong pinamunuan ito ng Pinaka-magaling na lider President Ferdinand E. Marcos.
Si Marcos ay namuno sa ating bansa mula 1965-1986 at sa kanyang pagiging lider naging masigla ang ating bayan. At ayon sa mga matatanda kilala ang ating lahi noon at nirerespeto. Kabilang tayo sa mga super power na bansa gaya ng USA at RUSSIA.
Ang mga makapangyarihang lider ng ibang lahi ay napapabilib ni Marcos kung paano siya maging lider at lalong-lalo na sa pananalita niya ay halos matunaw sa pakikinig ang ibang lahi. Kaya't hindi nakapagtataka na nagkaroon ng Golden Age ang ating bansa.
Subalit habang nasa kasiyahan ang mga mabubuting tao dahil sa tuloy-tuloy na pag angat ng ating bansa ay ang dilawang grupo naman ay hindi masaya kaya't hinahanapan nila si Marcos ng butas para siraan at pabagsakin.
Hindi nila ito mahanapan ng ikasisira kaya't black propaganda ang ginawa nila. Ginawan nila si Marcos ng kung ano-anong paninira gaya ng pagnanakaw, pagpatay, at pagiging diktador daw.
Ang NPA o mga rebeldeng komunista ay kasama rin sa dilawan na gumagawa ng gulo gaya ng pagpatay na isinisisi lagi nila kay Marcos pero NPA naman talaga ang gumagawa gaya ng plaza miranda bombing.
1986 pumasok ang kultong dilawan sa pamumuno. Si Cory Aquino ay naging Pangulo ng Pilipinas, sa unang taon palang ng kanyang panunungkulan ay nagpamasaker na sa mga magsasaka at tinawag ito na Mendiola Massacre 1987.
Cory Aquino |
Sa pamumuno ni Cory ay ang simula ng paghihirap ng Pilipinas, pagpasok ng droga at pag bulusok ng mga corrupt politicians.
Sinundan ito ni Ramos noong 1992 na pambihirang traydor kay Marcos. Siya ay pinsan ni Pangulong Marcos subalit nilaglag niya ito dahil sa pangarap maging isang pulitiko at gusto niyang pasokin ang pagka-Pangulo ng Pilipinas.
Fidel Ramos |
Dinaya niya si Miriam Santiago kung kaya't nanalo si Ramos sa pagka Pangulo. Walang ginawa si Ramos sa pamumuno niya kundi maglibot sa ibat-ibang bansa habang ang pagbasak ng ekonomiya ay hindi mahinto. Patuloy ang pagdagsa ng droga sa bansa at lumulubo naman ang mga corrupt sa gobyerno.
2010 naging Pangulo ang anak ng pambansang traydor Noynoy Aquino. Isang Pangulo na maraming salita puro pulubi sa gawa. Tuluyang bumagsak ang ating bansa at pinabayaan niya ang mga Pilipino at naging sagana ang mga drog lord at mga corrupt officials.
Noynoy Aquino |
Kilala din si Noynoy na traydor gaya ng kanyang Ama na si Ninoy. Isinubo niya ang SAF 44 sa mamasapano hanggang sa na massacre ito ng mga rebelde sa Mindanao. Dahil sa kagustohan niyang maipasa ang Bangsamoro Basic Law mas pinili niyang mapatay ang SAF 44 sa gitna ng laban.
Pinabayaan din ni Noynoy ang mga biktima ng Yolanda sa Leyte kung saan kumitil ng libo-libong buhay. Ninakaw ng Liberal Party ang malaking mga donasyon galing sa ibang bansa habang ang mga nabiktima ay naghihirap.
Ang tatlong mga naging Pangulong ito ay naging pabigat sa Pilipinas. Kung titingin ka sa ating paligid, ito ay bunga ng kanilang kamangmangan at kasakiman sa kapangyarihan kahit walang alam. Wala silang pakialam lumubog man ang bansa sa kahirapan basta ang importante sa kanila ay hawak nila ang kapangyarihan sa gobyerno.
Tatandaan si Cory, Ramos, at Noynoy, sila ang tatlong nagpalubog sa bansa sa kahirapan. Nagpadami ng mga corrupt at mga drug lord sa bansa kung kaya't ganito kalala na ang Pilipinas.