Sa panahon ni Pangulong Marcos umangat ang Pilipinas, naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino. Naging kilala ang ating lahi sa ibat-ibang bansa dahil sa napakaayos na pamumuno ni Marcos.
Si Marcos ay isang matalinong abogado, magaling na sundalo, at may brilliant na leadership kung kaya't naging progresibo ang ekonomiya ng Pilipinas noon. Lahat ay may trabaho, lahat ay disiplinado, at lahat ng tulong ng pamahalaan ay ibinubuhos sa mamamayan.
Sa pamumuno niya may isang banta ang pilipinas noon, ito ay ang pananakop ng komunista sa Pilipinas, nais nilang pabagsakin ang Republika ng Pilipinas. Isa sa bumuo ng komunista ay si Joma Sison at si Ninoy Aquino at ginamit nila ang black propaganda o isang paninira laban sa pamahalaan upang magkaroon ang mga Pilipino ng pagaaklas sa laban kay Pangulong Marcos.
Sunod-sunod ang pagpapasabog at pagsalakay ng mga komunista, sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Naganap ang plaza miranda bombing na ikinamatay ng ilang miyembro ng liberal at tagasuporta nito ang namatay at nasugatan, sinisi ng iilan noon na si Marcos na siya raw umano ang may pakana ng pagpapasabog subalit lumabas din ang totoo na NPA o komunista ang may gawa para lang masira si Marcos na siyang sisihin ng mga tao.
Tandaan, si Ninoy lang ang absent sa pagtitipon ng partido niya na lumabas din na may pakana ng bombing. Ang MV karagatan, isa itong barko na maghahatid sana ng Libo-libong armas sa Pilipinas mula sa Tsina, subalit natunugan ito ni Pangulong Marcos kung kaya't nilusob ito ng mga Militar at nakuha ang mga armas.
1972 naideklara ang Martial Law, at mula nun bumalik ulit sa normal ang buong Pilipinas at nasupil ang mga komunista dahan-dahan at hindi na makagalaw kaya ang iba ay sumuko nalang. 1981 nagtapos ang Martial Law, at naging matagumpay ito sa kabila ng napakaraming black propaganda.
Ang Pilipinas noon ay isang bansa na sumasabay sa mga super power nations gaya ng China, Russia, at USA subalit mas kilala ang leader na si Pangulong Ferdinand E. Marcos sa buong mundo kaysa mga lider ng ibang bansa. Sa mga hindi nakakaalam, si Marcos ay isang matalinong lider na dahilan kung bakit naging paborito siya ng mga Pilipino kaya ibinuboto ng paulit-ulit na umabot sa mahigit 20 years.
Ang Pilipinas noon ay malinis, hindi katulad noon, ang metro manila ay alagang alaga noong si Imelda Marcos pa ang Gobernador sa buong Metro Manila. May libreng pagkain sa mga Pilipino lalo na sa mga mag-aaral, ito ay ang tinatawag na "nutribun", kaya malulusog ang mga bata noon at walang nanlilimos sa kalsada.
Nagkaroon ng Golden Age ang Pilipinas dahil sa sobrang paglago at nasa mataas na antas ang ekonomiya ng bansa. Ang mga bilihin noon ay napaka mura lang, at ang mga bayaran na gaya ng tubig at electricity ay murang-mura lang, ganoon ka progresibo ang Pilipinas sa panahon ni Macoy.
Si Marcos ang Pangulo na kung tawagin ay "Nation Builder" siya lang naman ang nagpatayo ng mga malalaking proyekto o imprastraktura sa Pilipinas, gaya ng San Juanico Bridge, Philippine heart center, PICC, BNPP, LRT, at marami pang iba. Mga hospital, mga tulay, mga high class na pabahay projects, kakalsadahan at halos di mabilang na mga proyekto sa buong Pilipinas ang naipatayo niya. Hindi kasi siya corrupt na Pangulo, subalit dahil sa black propaganda o paninira nagmukha lang siyang corrupt pero ang katotohanan ang mga gumagawa noon ng black propaganda ay mga inggit at hindi makagalaw o maka pagnakaw sa kaban ng bayan dahil nga kay Marcos bawal ang magnanakaw.
Ang mga magsasaka noon ay labis na natulungan ni Marcos, in fact ang agriculture ang focus niya dahil alam niya na kapag masagana ang ani ng mga magsasaka ay mas lalong lumalakas ang ekonomiya ng bansa. Ang tulong sa mga magsasakay ay agaran, mga libreng pananim, solusyon sa tubig at iba pa, masyadong minahal ni Marcos ang mga magsasaka noon, kaya nga kung tatanungin mo ang mga matatanda sasabihin nilang hinahanap talaga nila ang kagaya ni Marcos mamuno na hindi lang talino at galing, kundi may kasamang pagmamahal sa bayan.
Sa tuwing may speech si Marcos ay halos tumulo ang laway ng mga nakikinig dahil sa galing nito magsalita. Walang speech copy si Marcos kaya sa tuwing magsasalita ito ay mula sa puso kung kaya't kahit mga pinuno ng bansa ay nakikinig sa kanya. Ngunit ang paninira ay nagpatuloy, binaril si ninoy sa Manila International Airport at sinisisi na naman si Marcos, isa na namang black propaganda na kung hindi ka matalino ay sasabihin mo talagang si Marcos ang nagpapatay.
Ayaw muna sana ni Marcos na umuwi sa Pilipinas si Ninoy dahil nga natunugan niyang may papatay kay ninoy at papalabasin na si Marcos ang mastermind subalit umuwi si Ninoy na di alam ni Marcos, at napatay sa Airport ng Pilipinas. Kalaunan ay lumabas din ang totoo na ginawa lang si Ninoy na sakripisyo para lang mapabagsak si Marcos at ipinapatay ang sarili, kaya nga hanggang ngayon ay ayaw ng pamilyang Aquino na ungkatin ulit ang kaso sa pagpatay kay ninoy dahil alam nila na lalabas ang katotohanan at masisira ang pangalan nila.
Nagpa-snap eleksyon noon si Marcos para malaman niya kung buo paba ang suporta ng mga Pilipino sa kanya, nakatunggali niya noon si Cory Aquino subalit nanalo ulit si Marcos, pero pinalabas ni Cory na siya raw ay dinaya, isang kasinungalingan ng dilawan.
Hindi nagpatalo si Cory at sinasabing siya raw talaga ang panalo, kaya't noong 1986 nagkaroon ng EDSA 1 na ang mga nag rally noon ay mga nabayaran, at mga walang alam na basta sumama nalang. Lahat ng iyon ay taga NCR lang at hindi kasama ang mga probinsya.
Ang akala ng marami na si Marcos ay napatalsik ng EDSA 1? Mali iyon dahil kaya nawala si Marcos sa MalacaƱang ay dahil kinidnap siya ng CIA, USA ang may pakana kung bakit siya nawala sa pwesto, dinala ang buong pamilya Marcos sa Hawaii at ninakawan pa ng ilang dokumento at mga gamit.
Marami pa sanang proyekto so Marcos sa Pilipinas subalit naudlot iyon dahil sa kamangmangan noon ng iilang Pilipino na nagpadala sa black propaganda. Nanungkulan si Marcos mula 1965-1986.