BIG CHANGES| Masayang dinarayo ng marami ngayon ang Manila Bay


Malaki ang pagbabago sa pagsisimula ng rehabilitasyon sa Manila Bay at nakita ng marami ang pagkakaiba ng dating marumi at mabahong Manila Bay.

May mga dayuhan mula pa sa ibang bansa ang nagpupunta sa Manila Bay, dahil kasi ito sa matunog na pagbabago sa karagatan.



Nakita kasi ito ng karamihan noon kung gaano kabaho ang Manila Bay, nakatambak ang basura at walang ginawa ang nakaraang administrasyon para ayosin at linisin ito.

Kaya naman, laking tuwa ng maraming Pilipino at ng ibang mga dayuhan dahil sa ginawang mandato ng Duterte Administration para linisin ang Manila Bay.



Dinaragsa na ito ng mga Pilipino at mga turista at masayang inaabangan ang paglubog ng araw. Ito ang pinakamagandang masasaksihan ng dumarayo sa Manila Bay, kung papaano lumubog ang araw.

Kung hindi napabayaan ang Manila Bay simula kay Cory Aquino, ay isa ito sa mga dinarayo ng mga turista sa bansa, subalit hinintay pang dumating si Duterte para mangyari ang pagsagip sa naghihingalong karagatan sa Metro Manila.

Bawat nakakapunta doon ay may kanya kanyang saya at kwento kung papaano nila nasaksihan ang malaking pagbabago.

Ang plano ng pamahalaan ay gawing parang boracay ang Manila Bay ng Metro Manila na posibleng darayuin ng mga turista sa bansa.

Loading...