Sangkay Janjan| Communist brainwashing students, makikita mo sila sa mga rally


Ito na naman tayo, kung papaano nila ng komunista noon na-brainwashed ang kabataan nung si Marcos pa ang pangulo, ganito din ang ginagawa nila ngayon.

Lantaran na ito mga kababayan, lalo na't mga sundalo na mismo ang nagsiwalat sa ginagawa ng mga komunista sa ating bansa. Kaya pala may mga kabataan na kahit walang alam ay pupunta sa mga kalsada at mag sasagawa ng protesta laban sa pamahalaan.

Palihim na kinukuha ang loob at tinuturuan ang mga kabataan na baguhin ang kaisipan at pumanig sa komunista. Ang mga kabataang ito na pumapanig sa mga rebeldeng komunista ay makikita ng lahat sa mga rally na kahit walang alam ay sasama dahil nga pinakain ng komunista ng mga basurang katuruan.

Kasalanan ito ng mga propesor sa mga Unibersidad gaya ng Ateneo at UP, dahil hindi magiging ganito ang ilang kabataan kung hindi sila involve sa kamangmangan na ito. 

Palihim na ginagawang brainwashing ng mga propesor na panig sa mga komunsita na sinasagawa para labanan ang pamahalaan ng kabataan. Kailangan mahinto na ito, bilang isang millennial na kagaya ko ay nag aalala ako para sa mga kapwa ko kabataan dahil hindi nila alam na ang itinuturo sa kanila ng kanilang mga propesor na komunista ay para ipahamak ang ating bayan.

Sana maging aware ang mga magulang ng kabataang ito, laging suriin kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga kabataang ito kapag wala sa kanilang tahanan o nasa eskuwelahan man. Dahil ginawa na nila ito noong panahon ni Marcos.

Bago mag deklara ng Martial Law noong 1972 ay sumiklab ang ganitong karumaldumal na gawain ng mga komunista gamit ang mga kabataan. Tinuturuan ng ilang mga hangal na propesor ang kabataan noon na lumaban sa pamahalaan at maging isang komunista na napakaraming nabiktima ng mga salot sa lipunan na komunista.

Bantayan sana ng mga magulang ang mga anak nilang nag aaral sa mga Unibersidad, kapag sila ay nasa rally na ibig sabihin papunta na sila sa pagiging komunista.


Loading...