Si Bam Aquino naman ay panay rin ang paandar to mind condition the Filipino people na ang Duterte regime ay isang palpak. Kunwaring concern si Bam sa mga magsasaka dahil umano nahihirapan na ang ating mga masisipag na magsasaka kaya mahalin raw natin.
"Mahalin natin ang mga magsasakang mahihirap dahil sila ang naaapektohan sa krisis." - Sen. Bam Aquino.Tama nga naman si Bam, dapat nga mahalin naman ang mga magsasaka dahil isa sila sa tumutulong para maging sagana ang ating bayan subalit, siya ba talaga ay concern o pakitang tao lang ito para kunwaring concern sa sa mga magsasaka?
Tama ba na ang magsabi na "mahalin natin ang mga magsasaka" ay isang Aquino na nagpamasaker ng maraming beses sa mga magsasakang ang nais lang ay mamuhay ng sagana at payapa?
Ang Lupao Massacre na ang naging mastermind ay ang Cojuangco at si Corazon Aquino na kumitil ng 17 na magsasaka noong 1987 na hanggang ngayon ay hindi pa napagbabayaran.
Ang Hacienda Luisita Massacre na kumitil ng napakaraming magsasaka na likha din ng Cojuangco at Aquino dahil sa lupaing ayaw ipamahagi at hanggang ngayon wala pang nagbabayad sa ginawa ng mga Aquino.
Isa sa pinakamalagim na ginawa ni Cory Aquino ay ang Mendiola Massacre noong 1987, ipinagutos ni Cory Aquino sa kanyang mga sundalo at kapulisan na ratratin ang mga magsasakang nag poprotesta na kumitil sa maraming magsasaka.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala paring hustisya sa mga malalagim na masaker na ginawa ni Cory Aquino dahil sa mahabang panahon na paghahari ng dilawan (wala pa ang mga masaker na likha ni Noynoy Aquino dito)
Kaya isang kalokohan lang ang statement ni Bam Aquino na kunwari ay concern sa mga magsasaka subalit sila ang pumapatay at nagpapahirap sa ating mga kababayang magsasaka. Nais lang talaga nila na palabasin na walang ginagawa si Duterte para pababain ang presyo mga bilihin.
Tandaan, ang nasa likod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay walang iba kundi ang pananabotahe ng dilawan sa produkto ng Pilipinas na itinatago nila para ang masisi ng bayan ay ang pamahalaan.