Nalalapit na naman ang 2019 National Election at umaandar na naman ang mga naglalakihang proyekto ng Liberal Party para lituhin at linlangin ang kaisipan ng sambayanang Pilipino para iboto sila.
Ang dating hindi naman kumakain ng turo-turo ay kumakain na kasi papalapit na ang halalan. Ang hindi yumayakap sa mahihirap ay makikita nating yumayakap na. Galawang Liberal Party nga naman lumalapit lang sa mahihirap kapag may kailangan.
Ito ang karaniwang ibinabandera ng dilawan kapag nangangamoy eleksyon na, kakain ng turo-turo, yayakap sa mahihirap, at ilalabas ng mga bayarang media sa Pilipinas.
Ngunit kung atin lang sasaliksikin ang record nila as a public servant gaya ni Bam Aquino at iba pa ay wala tayong mahahanap na matinong nagawa nito sa opisina. Siguro kung mayroon man ito ay ang pagiging busy sa paninira sa pamahalaang Duterte dahil nagigipit ang kanilang mga iligal na gawain.
Mapagkunwari talaga ang Liberal Party na nakakaya nilang linlangin ang iilang mangmang sa bansa. Kahit na wala naman talaga sila naitutulong sa ating bayan ay ibinuboto parin ng iilang mangmang dahil sa pag aakalang matino sila.
Mag iingat tayo sa mga ganitong pulitiko na anay ng ating pamahalaan. Kunwari ay may pagmamahal sa maralita at sa bayan subalit ang katotohanan ay misyon nilang paangatin lang nila ang kanilang mga sarili at pabagsakin naman ang ating minamahal na bayan.
Huwag iboboto ang ganitong uri ng Pulitiko. Mas maging matalino sa pinapanood at maging mapanuri upang hindi maging mangmang.