Kahit sa testing ng Hybrid Election System ay ginamitan din ng pandaraya ng Comelec, masyado ng inaanay ang mga opisyal ng Comelec at dapat na ito mawalis.
Sa panukalang batas ni Tito Sen, Senate Bill No. 1858, na Hybrid Election System na ang gamitin sa 2019 at mga susunod na halalan sa bansa, inatasan ang Comelec at Comelec Advisory Council (CAC) ng Senate Committee na magsagawa ng time and motion study upang malaman kung gaano katagal ang pagbibilang ng mga boto ng mano-mano. Sa hybrid system kasi, mano-mano ang gagawing pagbilang ng mga boto kaya mas transparency ito kesa sa Smartmatic.
Hiniling naman ni Atty. Glenn Chong kay Sen. Koko Pimentel, Chairman ng komiteng may hawak ng SB 1858, na payagan silang mag-observe sa time and motion study dahil alam niyang may gagawing pandaraya na naman ang riding in tandem plus lookout. Sabi niya hayaan na lang daw na sila na ang gumawa nito.
Isinagawa ng Comelec at CAC ang nasabing study noong nakaraang linggo. Napag-alaman na 20 test ballots ang ginamit. Pero ang ginamit nilang pangalan ng mga kandidato sa test ballots ay mga European at Japanese names. Ito ay sadyang mahirap bigkasin at kakain talaga ng oras. Hindi tulad ng mga Pilipinong pangalan, mabilis bigkasin, madaling bilangin. Ito ang unang pandaraya ng sindikato. Hindi talaga sila titigil hanggat may pera silang natatanggap mula sa mga boss nila.
Sa karumaldumal nilang aksyon, tumagal ang average time ng pagbabasa ng mga pangalan at umabot sa halos 2 minuto bawat balota. Ayon sa computation ng Comelec at CAC, sa 600 balota kada presinto, aabot daw ng 20 oras ang bilangan.
Bakit 600 balota ang ginamit nilang basehan gayong sa hybrid system, balik naman tayo sa dating established precinct na 200 lang ang botante bawat presinto. Sa 200 balota, sabihin na nating 2 minuto pa rin ang gugulin sa pagbabasa ng bawat balota kahit may daya na ito, 6 hours and 40 minutes lang ang kabuuan nito. Ito ay malayong-malayo sa 20 oras na gustong ipalabas ng Comelec at CAC. Ito ang pangalawang pandaraya ng sindikato.
Matindi na talaga ang masamang sistemang nananalaytay sa Comelec. Sadyang dinaya ng sindikato sa dalawang bagay na ito (pangalan at dami ng balota) ang nasabing study dahil ipapalabas nilang sobrang matagal ang mano-manong bilangan sa hybrid system. Ito ang taktika nila upang siraan ang sistemang itinatapat ngayon laban sa mandarayang makina ng Smartmatic. Ayaw talaga bitiwan ng sindikato ang Smartmatic dahil hindi na sila makapandaya at hindi na sila makakakuha ng dambuhalang kitaan sa Election.
Kitang kita nang takot na takot ang Comelec mawala ang Smartmatic dahil mawawalan sila ng malakihang source of income sa pandaraya sa election na mula pa nung 2010 ay ginagawa na nila. Kinakabahan din ang mga boss nilang dilawan dahil sa Smartmatic lang sila makakapandaya at makakapaghalal ng mga pekeng opisyal sa pamahalaan.
Kamakailan lamang ay sinabi rin ni dating Sen. Bongbong Marcos na ang ibinibenta ng Smartmatic ay hindi sistema ng maayos na halalan kundi, dayaan election system. Kaya dapat na itong mawalis sa Pilipinas at mapalitan nadin ang mga opisyal ng Comelec na tumatanggap ng pera tuwing election.
Atty. Chong reveals in Social Media
Atty. Glenn Chong posted in social tungkol sa pandaraya ng comelec laban sa Hybrid Election System sa isinagawang testing.
COMELEC, SANAY SA PANDARAYA
KAHIT TESTING DINADAYADahil sa panukalang batas ni Tito Sen, Senate Bill No. 1858, na Hybrid Election System na ang ating gamitin sa 2019 at mga susunod na halalan, inatasan ang Comelec at Comelec Advisory Council (CAC) ng Senate Committee na magsagawa ng time and motion study upang malaman kung gaano katagal ang pagbibilang ng mga boto ng mano-mano. Sa hybrid system kasi, mano-mano ang pagbilang ng mga boto.Hiniling ko kay Sen. Koko Pimentel, Chairman ng komiteng may hawak ng SB 1858, na payagan kaming mag-observe sa time and motion study dahil alam kong mandadaya na naman ang riding in tandem plus lookout. Sabi niya hayaan na lang daw na sila na ang gumawa nito.Noong nakaraang linggo, isinagawa ng Comelec at CAC ang nasabing study. Napag-alaman natin na 20 test ballots ang ginamit. Pero ang ginamit nilang pangalan ng mga kandidato sa test ballots ay mga European at Japanese names. Ito ay sadyang mahirap bigkasin at kakain talaga ng oras. Hindi tulad ng mga Pilipinong pangalan, mabilis bigkasin, madaling bilangin. Ito ang unang pandaraya ng sindikato.Dahil dito, tumagal ang average time ng pagbabasa ng mga pangalan at umabot sa halos 2 minuto bawat balota. Ayon sa computation ng Comelec at CAC, sa 600 balota kada presinto, aabot daw ng 20 oras ang bilangan.Bakit 600 balota ang ginamit nilang basehan gayong sa hybrid system, balik naman tayo sa dating established precinct na 200 lang ang botante bawat presinto. Sa 200 balota, sabihin na nating 2 minuto pa rin ang gugulin sa pagbabasa ng bawat balota kahit may daya na ito, 6 hours and 40 minutes lang ang kabuuan nito. Ito ay malayong-malayo sa 20 oras na gustong ipalabas ng Comelec at CAC. Ito ang pangalawang pandaraya ng sindikato.Sadyang dinaya ng sindikato sa dalawang bagay na ito (pangalan at dami ng balota) ang nasabing study dahil ipapalabas nilang sobrang matagal ang mano-manong bilangan sa hybrid system. Ito ang taktika nila upang siraan ang sistemang itinatapat natin ngayon laban sa mandarayang makina ng Smartmatic. Ayaw talaga bitiwin ng sindikato ang Smartmatic dahil hindi na sila makapandaya at hindi na sila kikita.Kung 200 lang ang botante bawat presinto sa hybrid system, 4 oras na lang ang ating botohan dahil mabilis naman ang pagshade ng mga balota at hindi na pipila ang mga botante sa iisang makina. Hindi pa nga aabot ng 4 oras ang botohan kapag 10 botante ang sabay-sabay na bumuto at bawat isa sa kanila ay may maximum na tig-10 minuto upang bumoto.4 oras ng botohan + 7 oras ng bilangan = 11 oras lang ang kabuuan. Kung magsimula tayo ng alas-6 ng umaga, tapos na tayo ng alas-5 ng hapon. Then, simula na ng automated transmission ng mga resulta. Wala itong pinagkakaiba sa Smartmatic. Mabilis pa rin ang canvassing ng mga resulta dahil automated ang transmission pero mahirap ng dayain dahil may hawak na tayong totoong resulta at kita natin ang pagbilang ng mga boto sa presinto, at minus gastos pa.Dito takot na takot ang sindikato na mapatalsik ang Smartmatic. Hindi na sila makapandaya pang muli. Kaya kahit sa testing pa lamang, nandadaya na. Kunsabagay, sanay na sanay na sila sa dagdag-bawas.
NETIZENS REACTION
Bumulabog din sa netizens ang balitang ito at agad bumuhos ang halos magkakatugmang reaksyon laban sa Comelec. Ayon sa netizens, dapat umanong matanggal bago mag 2019 ang mga opisyal sa comelec na sabit sa dilawan o Liberal Party, dahil sila ang nagmamanipula ng lahat.
Ang isyung ito ay dapat nang matuldukan at maparusahan ang lahat ng may sala sa mga pandaraya mula sa 2010, 2013, at 2016. Hangga't andyan ang mga dilawang comelec officials at smartmatic, ay walang magiging maayos na halalan at magpapatuloy ang dayaan system.