WATCH| Netizens humihingi ng hustisya kay John Reynera, bagong biktima ng Riding in Tandem


May bago na namang nabiktima ang Riding in Tandem, kinilala ang biktima na si John Aaron Reynera. Pauwi umano ito galing sa trabaho nitong Wednesday 9pm ng biglang pagbabarilin ng riding in tandem habang kasagsagan ng pag-ulan nito lang.

Ayon sa mga nakakakilala kay John Aaron Reynera, wala siyang kaaway o nakaalitan. Mabait umano ito at hindi sangkot sa anumang iligal na gawain at isa rin siyang Apostolic Christian na kasama sa Worship Ministry sa kanilang simbahan. Isa rin itong anak ng Pastor sa kanilang simbahan, kung kayat nagtataka ang kanyang mga kaanak kung papaano siya napatay gayong wala naman itong kaaway.

Para sa mga makakapanood nito, tulungan natin ang pamilya na makuha ang hustisya. Ikalat natin ito sa social media hanggang sa makarating ito kay Pangulong Rodrigo Duterte. Marami nang nabibiktima ang mga kriminal sa bansa, kaya nga sana maisabatas na ang PARUSANG KAMATAYAN para sa mga ganitong krimin.


Nawa'y makarating ito sa ating mahal na Pangulo at mabigyan ng hustisya ang biktimang si John Aaron Reynera. Let's bring justice to him mga kababayan.

DZMM REPORT about Reynera

Loading...