LOOK| Isang blogger (Sangkay Janjan) sinubukang suhulan ng dilawan, di umubra



Isang blogger ang sinubukang suhulan ng isang dilawan para bumaliktad at magtrabaho sa oposisyon (Liberal Party) ng pamahalaan ang hindi umubra.

Sa isang post sa page ng sangkay janjan blog sa facebook ay isiniwalat nito na sinubukan siyang silawin ng pera ng isang dilawan. Ayon sa dilawan na nag alok sa blogger ay, malaki ang kikitain niya kung siya ay papanig sa dilaw. Alam daw kasi niya na walang binibigay si Duterte na pera kaya nais niyang imbetahan si Sangkay Janjan na makiisa at siraan ang pamahalaan at maging ang mga Marcos.

Subalit tinanggihan ito ng blogger, ayon sa kanya, hindi raw siya katulad sa mga supporter ng dilawan na nilamon na ng sistema ng pera. Mahal niya raw ang bayan kaya hindi niya ipagpapalit ng kahit na magkanong suhol ang kanyang dignidad at paninindigan.

"Kayo ang sumusira sa bayan dahil nagpapagamit kayo sa dilawan, hindi na kayo naawa sa bansa na kaya tayo naghihirap dahil sa mga kalokohan niyo. Gusto niyo pa akong idamay sa mga kahibangan niyo, kung ang iba nababayaran niyo, huwag si Sangkay Janjan dahil hindi niyo ako magagamit." - Sangkay Janjan said.
Sinubukan pa ulit silawin si Sangkay Janjan ng pera ng isang dilawan, malaki umano ang kitaan kung sakaling sasama siya sa Dilawan para sirain si Duterte at Marcos at ayon kay Hector weekly pa ito makukuha. Sumablit mas binara pa siya ni Sangkay Janjan at hindi nagpasilaw sa pera na inaalok ng isang dilawan.

"Brad, maawa kayo sa ating bayan na sinisira niyo, ang pamilya niyo rin ang maghihirap in the future dahil sa kahibangan niyo sa pera. Kapag pera nga naman kahit maging mangmang hahayaan kumita lang. Brad lagyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo." - Sagot ni Sangkay Janjan.
Umuusbong ang mga ganitong gawain hindi lamang sa mga scam na mga organisasyon mga mga kompanya kundi maging sa pulitika ay kumakalat ito ngayon kagaya na lamang nitong mga dilawan na nagaalok ng pera para mag rally at magpakalat ng mga masasamang balita at paninira laban sa pamahalaan.

Paalala sa ating mga kababayan, kung makakatanggap kayo ng ganitong mga gawain na nag aalok ng pera para manira ng mga mabubuting leader, agad niyo itong kunan ng letrato at ikalat sa social media upang maisiwalat ang mga kalokohang ganito.


Loading...