Opinyon| Kapag si Bimby nadulas, headline! Pero sa Comelec big issue tahimik ang media

By: Sangkay Janjan


Kapansin-pansin sa social media ang reaksyon ng netizens laban sa mainstream media sa Pilipinas dahil sa pananahimik nito sa issue o napakalaking issue ng Comelec at Smartmatic dahil sa dayaan na ang trumabaho ay ang comelec mismo.

Nakakapagtaka ang pananahimik ng media sa malaking iskandalong ito. Pero kapag tungkol sa anak ni Kris Aquino na si Bimby ay agaran itong balita sa social media at maging sa iba't-ibang pahayagan.

Kagaya ng, nadulas si bimby, nakagat si bimby sa dagat, napilayan si bimby etc. Ang bibilis ng headline sa balitaan ng mainstream media kapag tungkol sa mga Aquino subalit, agarang update sa mga pahayagan ang mga ito samantalang wala namang naitutulong sa bayan si bimby o ang mga Aquino.

Ano ang naitutulong ni bimby sa bansa na mas mabilis ang headline ng mainstream media? Hindi ba wala?

Samantalang ang malaking kasalanang ginawa ng Comelec sa taumbayan na pagmamanipula ng boto mula noong 2010 hanggang 2016 para sa kanilang boss na Liberal Party. Bingi-bingihan itong media natin sa bansa at gustong mabura na agad ang issue na ito dahil panigurado utos rin ng mga boss nilang dilawan na huwag ilabas sa TV o Radio ang totoong kaganapan sa malaking issue na ito.

Ang Abs-Cbn, GMA 7, TV 5, CNN Philippines at iba pa ay walang inilalabas na balita at nagpapatuloy ang pananahimik habang nagwawala na ang taumbayan dahil sa ginawang kalokohan ng Comelec at Smartmatic.

Sana mabasa ito ng lahat at ipanawagan na mag inga ang media tungkol sa isyung ito.

Loading...