Panahon na para kalimutan ang basurang EDSA 1

Written by: Sangkay Janjan
Kahit anong pag-iisip ang gawin ako ay wala talaga akong makitang rason para ipagdiwang parin ang EDSA 1. Tumatatak kasi ito ng kamalasan ng bansa kung saan nagdusa ang bayan dahil sa pekeng rebolusyon.

Ang EDSA 1 ay nalikha dahil sa kamangmangan ng iilang Pilipino sa Pilipinas kung saan nagtipon sila at kinalaban ang isang lider na tunay na nag-aruga at nagmahal sa ating lahi walang iba kundi si President Ferdinand E. Marcos.

Nakakapang hinayang lang talaga dahil kung wala lang sanang mga mangmang sa lipunan noon ay natuloy sana ang mga naglalakihang proyekto ni Marcos sa ating bansa, wala sanang mahihirap sa ating minamahal na bayan ngayon.

Salot talaga ang Edsa 1! Dahil sa kanila lubhang naghirap ang ating bansa samantalang tinitingala ang ating lahi noon. Ang pagsasama-sama na yata ng mga mangmang sa Edsa ang pinaka-walang hiyang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nagpapaalala ang Edsa 1 sa isang malaking pagkakamali ng iilan nating kababayan noon na naging dahilan ng pagkasira at pagkalugmok ng ating bayan.

Tingnan mo kung paano lumaganap ng lubha ang kahirapan sa Pilipinas, diba katakot-takot? Sa panahon ni Marcos walang mahihirap na kababayan dahil sagana ang ating bansa dahil naibibigay ng gobyerno ang pangangailangan ng mamamayan, subalit dahil sa Edsa 1 naging isa nalang itong kwento at natuldukan ng kahirapan.

Kaya sana matauhan ang lahat na hindi na ipagdiwang ang isang mangmang na rebolusyon na nagbigay daan sa pagdurusa ang ating lahi. Nawa'y magsilbi itong aral sa ating mga Pilipino.

Loading...