Inaaruga ng maayos ng mga Marcos ang mga magigiting na magsasaka mula pa noon

Mula noon paman ay talagang wagas na ang pag-aruga ng mga Marcos sa mga masisipag nating magsasaka sa ating bayan noong pinamunuan ni President Ferdinand E. Marcos ang Pilipinas.

Ang Pilipinas noong Golden Age ay kilala ng mundo bilang magagaling sa pagsasaka dahil ito ang pinagtuunan ng pansin ni Marcos.

Isa sa mga nakasaksi nito ay ang Vietnam kung saan tinuruan ng mga Pilipino noon kung paano magtanim ng palay at kung paano pagyamanin ito.

Kaya naman ang mga Marcos ngayon sa kasalukuyan ay ganon din ang kanilang pag-aaruga sa mga magigiting na magsasaka. Si Bongbong at Imee ay namamayagpag hindi lang dahil sa sila ay isang Marcos kundi matitinong lider na may puso sa mga magsasaka.

Siguro naman alam natin na pag masagana ang ani ng mga magsasaka ay lumalago ang ekonomiya ng bansa. Kung ang mga magsasaka ay inaaruga ng maayos ng mga lider ng bansa ay talagang namamayagpag ang mga pananim ng mga magsasaka.

Sa isang interview kay Bongbong Marcos ay ayon sa kanya, talagang tinutugunan agad nila ang kahit na anong pangangailangan ng mga magsasaka sa Ilocos Norte noong siya ay Gobernador pa dahil alam niya na ang mga magsasaka ay may malaking maiaambag sa paglago ng pamayanan at isang bansa.

Maging si Imee Marcos na siya na ngayong Gobernador ng Ilocos Norte ay ganoon din ang paraan o pamamalakad. Inuuna niya ang mga magsasaka kaya naman sa buong Pilipinas ang Ilocos Norte lang ang advance pagdating sa mga kagamitang pangsaka.

Ito dapat ang ginagawa ng mga lider ng bansa sa bawat pamayanan ay mahalagang nabibigyan ng unang pansin ang mga magsasaka sapagkat ito ang buhay ng isang bansa at ekonomiya.

Ito yata ay namana nila kay dating Pangulong Marcos na siyang pinunong hayagang nagmahal sa mga magsasaka sa buong kapuluan ng Pilipinas.

Loading...