Papaano kung lumabas ulit ang Duterte supporters?


Nagpauso na naman ng rally ang yellow group dahil sa Marcos hero's burial at LNMB. At ang isinisisi ng mga mangmang na dilaw ay si Pangulong Duterte dahil pumayag daw siyang ipalibing si Pangulong Marcos.

Galit na galit ang dilaw ngayon sa mga Marcos at kay Pangulong Duterte, rally doon rally dito. Ginagamit ang mga kabataan ng dilaw para sumigaw na masama si Pangulong Marcos at ginagawang uto-uto samantalang kung mayroon mang tunay na bayani ay si Pangulong Marcos yun.

Si Pangulong Marcos lang naman ang isa sa naging bayani noong World War 2 kung saan ginawaran siya ng parangal. Subalit dahil sa inggit ng mga aquino pinapalabas nilang hindi totoo ang mga medalya ni Pangulong Marcos.

Nakita ng marami angang pwersa ng mga supporters ni Pangulong Duterte, papaano kung ito ang lumabas naman at harapin ang kamangmangan ng mga dilaw?

Nagmamayabang itong dilawan dahil sa ginagawa nilang bulok na rally pero hindi ba sila natatakot na pag lumabas ang milyun-milyong supporters ni Pangulong Digong ay magmukha silang kawawa?

Nananahimik lang itong mga supporters ni Pangulong Duterte pero milyun-milyon iyan.

Loading...