Napakahabang panahon simula nung pabayaan ni Cory Aquino na mababoy ang Manila Bay. Ito ang pinakaumpisa ng pagdurusa ng isa sa pinakamagandang karagatan sa Pilipinas na makikita sa Metro Manila.
Noon ay umaapaw ang karumihan ng Manila Bay dahil sa kawalang disiplina ng ilan sa mga Pilipino. Mga nagtatapon ng basura at mga restaurant at iba pa na derekta sa Manila Bay ang daloy ng mga basura at nagdudulot ng malalang karumihan at mabahong amoy ng dagat.
Ganito ang hitsura ng Manila Bay nung wala pang isang Duterte sa MalacaƱang.
Sinimulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay nung Jan 27, 2019 na sinamahan ng libo-libong mga Pilipino na siyang tumulong sa pag uumpisa sa rehabilitasyon.
Ang naging resulta sa sa unang araw ng rehabilitasyon ng Manila Bay ay bumungad sa maraming Pilipino at maging sa mga turista sa Pilipinas, dahil ang dating maruming dagat ay ngayon nagkaroon ng buhay.
NETIZENS REACTION
Maging ang netizens sa social media ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan na sa unang araw palang ng rehabilitasyon ng Manila Bay ay nagkaroon agad ito ng nakakabilib na resulta.
Kaya naman lubusan ang pasasalamat ng mga Pilipino sa pamahalaan at kay Pangulong Duterte. Hiling lamang ng netizens na magkaroon na ng disiplina ang mga Pilipino at magtuloy-tuloy ito.
Kung papansin lang, ay malayo na ang narating ng Manila Bay kaysa sa dating kalagayan nito noon na ubod ng dumi at mabaho.
Wala na ang mga basura, mas gumanda na ang paligid at mas maaliwalas na at nagpapahiwatig lang na may mas mararating pa ang Manila Bay na maganda.
Kapansin pansin ang pang pagkakaroon ulit ng kagandahan ng Manila Bay at dinadayo na kaagad ito ng marami dahil sa panibagong anyo nito.
Kung mas magiging malinis pa ito ay siguradong dadayuin na ito ng mga turistang nagbabakasyon sa Pilipinas.
Ito ay umpisa pa lamang ng rehabilitasyon sa Manila Bay at magpapatuloy hanggang sa matapos ang pagbabalik ng ganda nito.
Aabotin umano ito hanggang sa Dec 2019 at pwede na ulit itong pag liguan.
Maliban kay Pangulong Marcos, si President Duterte lang din ang nagkaroon ng puso sa Manila Bay na buhayin ito at gawing mala-boracay ng Metro Manila.