Patuloy na nananalasa ngayon ang sari-saring komento ng netizens sa social media na pambabatikos sa marahas na bata na nambully sa kanyang kapwa Ateneo student.
Hindi lang isa ang nabiltima nito kundi marami pa. Binubugbog at sa pinakahuli ay pinapaluhod niya at pinapahalik sa kanyang paa.
Kung kayat ang buong Pilipinas ay nabulabog sa karahasan na ginawa ng batang si Joaquin Montes Jr na halos lahat ng mga pahayagan ang lamanlaman ng balita ay patungkol sa kanyang ginawa.
Dahil dito nag post si Joaquin sa kanyang temporary social media account ng pakikiusap sa lahat na itigil na ang pambabatikos at humihingi siya ng tawad sa mga nangyari.
Kanyang niliwanag na ang pangyayaring iyong ay gawa ni satanas. Inamin niya ang kanyang pagkakamali subalit sa bandang huli ay itinuturo niya si satanas na siyang may gawa umano sa karahasang ginawa niya.
Ginamit din niya ang pangalan ni Hesus na siyang nagpapatawad umano sa mga may kasalanan na gaya niya. Ngunit nangingibabaw parin ang katauhan niyang may kayabangan dahil sa pagdawit niya kay Satanas sa kanyang karahasan.
Samantala, halos lahat ng mga sikat na tao ay siya ang laman ng mga komento, mapaartista man o mga opisyal ng pamahalaan ay nagbibigay ng opinyon ng pagkadismaya at pagka alarma sa pangyayari.