Guilty, o pinilit maging guilty? Marcos family are now persecuted again



Kung sino pa ang may malaking naiambag sa bayan, ay siya pa ang ididiin sa isang kasalanan. Talagang baliktad na ngayon ang panahon, ang mga taong mabubuti ay ginagawang masama ng mga nasa kapangyarihan.

Humaharap ulit ang mga Marcos ngayon sa isang pagsubok mula sa kamay ng mga hangal, hinatulan si dating unang ginang Imelda Marcos na guilty sa isang black propagandang pinagpilitang idiin.

Bakit kaya?

Ito ay marahil nakikita nila na ang mga anak nito at mga apo ay hindi na mapigilan sa mga public offices. Kagaya nalang ni Bongbong Marcos, at ngayon si Imee Marcos na tumatakbong senador. Takot na takot ang mga dilawan na makabalik ang mga Marcos sa mataas na opisina dahil alam nilang mabilis na makakabangon ang bansa kung may isang Marcos na nasa taas at mapapahiya ang dilawan sa mga paninira nila.

Kung tutuusin dapat pasalamatan ng buong bayan ang mga Marcos dahil sa kanilang matinong pamumuno noon na kita naman ang napakaraming ebidensya na nakapalibot sa ba dahil sa naglalakihang proyekto na iniwan ng pamunuang Marcos.

Nung si Imelda Marcos pa ang Gobernador sa Metro Manila ay malinis ang kapaligiran, wala kang makikitang pagpag sa kalsada na nanghihingi ng limos, dahil maayos ang ang pamumuno niya noon.

Green City kung tawagin pa noon ang Metro Manila dahil sa napakalinis nito na kahit ang mga ilog ay naaalagaan noong panahon niya.

Marami siyang proyekto na nagawa sa Metro Manila kagaya nalang ng mga libreng pagkain noon, gamot, hospital, pabahay at iba pa. Siya lang ang tanging Gobernador na hinangaan ng mga matatas na leader sa buong mundo dahil sa husay at talino nito.

Kaya ang hatol na guilty ng Sandigan Bayan laban sa kanya ay isang sapilitang hatol sa isang kasalanang di naman niya ginawa.

Samantalang ang mga Aquino ay maraming pinamasaker, pinapatay, ninakaw at wala ni isang makikita na isang proyekto na gawa ng isang Aquino. Subalit pilit nilang ginagawang santo ang mga Aquino, ganon kabaliktad ngayon ang panahon na kung sino pa ang maraming nagawa sa bayan ay siya pa ang nadidiin.

Loading...