SINDIKATO, bigong sirain si Atty. Glenn Chong


Bigo na naman ang sindikatong Comelec, Smartmatic at dilawan sa pagsira kay Atty. Glenn Chong na siyang nagsisiwalat ng katotohanan sa nakakatakot na pandaraya ng dilawan sa tulong ng Comelec at Smartmatic.

Isa sa mga tactic ng Comelec at Smartmatic ay sirain ang pangalan ni Atty. Chong ng sa ganon ay hindi na ito pakinggan sa hearing, subalit nabigo ang mga ito sa pagsira sa matapang na abogado. Pangalawang tactic ng mga sindikato ay hindi pagsalitain si Atty. Chong sa hearing na muntikan na sila magtagumpay, subalit mas sumabog pa tuloy ang kalokohan ng mga sindikato.

Narito ang pahayag ni Atty. Chong sa social media


NASIRA ANG SCRIPT NG SINDIKATO
Sa blog ni FIONA, ipinalabas niya ang mga sulat ni Atty. George Garcia at mga larawang diumano ay magpapatunay na ako ay pakawala ni BBM upang sirain ang kredibilidad ng aking mga isiniwalat sa hearing. Sa aking isipan, ito ay patibong lamang upang sagutin ko sa social media bago ang susunod na hearing at makapaghanda sila.
Dahil hindi ko kinagat ang kanilang patibong, binago naman nila ang kanilang script. Sa halip na ako ang puntiryahin sa hearing, gagawin nila akong flower pot o decoration at hindi papagsalitain. Kung hindi lang kay Tito Sen, nagtagumpay talaga sila sa kanilang balak.
Ang bagong script nila ay aayusin nilang muli ang sira-sirang imahe at reputasyon ng sindikatong Comelec-Smartmatic. Pinuno nila ng mga tauhan at kaalyado ng sindikato ang panel of resource speakers upang makontrol nila ang discussion at hindi na kami makaporma. Inilagay pa ako sa kalagitnaan ng mga kalaban. Siyempre, kinuha ko ang aking name plate at lumipat sa aking mga kasama.
I correctly guessed na baka ito nga ang mangyayari sa araw ng hearing kaya kinausap ko ang aking kaibigan upang pumunta sa hearing at siya ang magsasalita kung sakaling hindi ako papagsalitain – kumbaga backup. Exactly, yun ang nangyari. Masaya naman ako at nakapagsalita siya ng todo. Nasupalpal pa si Sixto. Expired na pala ang kanyang batas!
But God works wonders. Kahit pa binalak nila akong patahimikin, nakalusot pa rin ako dahil uli kay Tito Sen. Kaya nakalusot pa rin ang panibagong pasabog na ito.
Huli na naman ang Comelec na nagsisinungaling. Sabi nila hindi nakuha ng mga hackers ang biometrics ng mga botante. Ang laptop sa larawang ito ang patunay na kompleto ang nakuha nila. At ang hackers ay walang iba kundi ang sindikato rin. Matagal ng nilalako ang voters’ database sa mga kliyenteng politiko. Kailangan lang nila ng cover. Ito ang Comeleak. Pinagloloko lang talaga tayo.
Hindi sumagot ang Comolect sa pontong ito.
 Sa puntong ito ay tuloy na tuloy ang paglaban ng Taumbayan para sa pagsingil sa mga sindikatong ito sa mahabang panahon na pandaraya, sa pangunguna ng matapang na abogadong si Atty. Glenn Chong.


Loading...