Reporma sa Eleksyon, pinag-uusapan na' Hybrid Election System ipapalit sa Smartmatic



No more Smartmatic, ito ang isinisigaw ng taumbayan para sa reporma ng eleksyon sa Pilipinas. Ang Smartmatic ay ginagamit ng mga pulitiko para mandaya gaya ng Liberal Party ayon sa imbestigasyon at mga ebidensya na lumabas.

Dahil dito napag uusapan na ang reporma sa halalan ng Pilipinas para masigurado na wala nang dayaan na mangyayari at transparent na ang eleksyon upang hindi na ito maging questionable sa maraming Pilipino kapag may kagulat-gulat na panalo gaya ni Leni Robredo.

Pinag-uusapan na ngayon sa senado ang pagpapalit ng sistema ng eleksyon at ang ipapalit ay ang "HYBRID ELECTION SYSTEM" na kinakatigan ngayon ng marami dahil sa magandang sistema nito. Kung tuluyan ng magkakaroon ng reporma, papalitan na ang mandarayang Smartmatic ng Hybrid Election System at lalabas na sa election kung sino talaga ang tunay na nananalo.

ATTY. GLENN CHONG POST IN FACEBOOK

Nagkaroon ng hearing kahapon sa Senado tungkol sa mga panukalang batas na may kinalaman sa halalan. Kasama sa agenda ay ang isinusulong ni Tito Sen na Hybrid Election System bilang kapalit ng madayang Smarmatic Election System.
Hindi ako imbitado dahil hindi naman tungkol sa dayaan ang hearing. Nakiusap ako at pinagbigyan naman ng Senate committee ni Sen. Koko Pimentel dahil gusto kong linawin, pagtibayin at suportahan ang panukala ni Tito Sen upang tuluyang mapatalsik ang mandarayang Smartmatic.
Besides, gusto ko ring bantayan ang Comelec sa hearing kasi baka magtangkang magpapogi sa media at publiko matapos silang mabuljak sa dalawang nagdaang hearings. Kung wala ako roon, hindi ko sila mapapabulaanan sa kanilang kasinungalingan. Mabuti ng may doberman tayo doon na magbabantay para hindi makapasok ang mga magnanakaw. At hindi nga sila nakaporma!
Pinapagsalita na ako at kinausap din ng ilang kasapi ng Comelec Advisory Council pagkatapos ng hearing kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa halalan. Sinabi ko sa kanila na sasagutin ko sila sa susunod na hearing kung anong security features o safeguards ang gusto kong ilatag at ipatupad upang magiging malinis at mapagkatiwalaan ang ating halalan sa 2019.
Sa loob ng 8 taon, dinidedma lang talaga ako. Pero ngayon, pinapakinggan na ako. Bakit? DAHIL SA INYO! Alam nilang hindi lamang ako nag-iisa ngayon. Sa likod ko ang sambayanang Pilipino na nagnanais ng malinis, marangal at mapagkatiwalaang halalan.
You see, ang boses ng bawat isa sa atin na hamak na mamamayan lamang ay walang kapangyarihan na lumaban sa pag-abuso ng ating karapatan. Pero kapag pinagsama-sama natin ang ating mumunting boses at ipagkatiwala sa taong palaban at lumalaban, magkakaroon tayo ng sapat na kapangyarihang politikal na maaring itapat natin sa mga makapangyarihang umaabuso sa atin.
By bonding and uniting as one, together we assume a degree of political power sufficient to stand as an effective countervailing force against the powers that abuse us and our rights.
Epektibo ang pagsama-sama ng mga inaaping walang kapangyarihan.
Hindi ko sasayangin o tatraydorin ang inyong pagtitiwala sa akin. Gagamitin ko ito upang hindi na tayo abusuhin pang muli, lalong-lalo na sa ating karapatang pumili ng ating mga pinuno.
Behaved po ako kahapon sa hearing dahil may mga bisitang banyaga mula sa United Kingdom. Hindi maganda na maabutan kaming nagbabangayan at nagkakarambola. We can always wage our battles in a dignified way. Pero pinapatamaan ko pa rin naman ang sindikato pero discreet nga lang.
MARAMING SALAMAT SA INYONG PATULOY NA PAGSUBAYBAY SA ISYU NG DAYAAN SA HALALAN AT SA INYONG TIWALA AT SUPORTA. MALAKING BAGAY PO ITO PARA SA IKAWAWAGI NG SAMBAYANANG PILIPINO.
(I will post snippets of the most important parts of the hearing in the next few days.)
WATCH THE VIDEO HERE
 

Loading...