Papayag ba ang mga Pilipino na mag resign si President Duterte?



Many times President Rodrigo Duterte mentioned about his willingness to step down from his office in the Palace, but the very big question is, papayag ba ang mga Pilipino na bumaba na sa pwesto ang Pangulo?

Halos nasa 70% ang bumoto kay President Duterte noong nakaraang halalan, at sinasabing milyun-milyon na boto ang nawala sa kanya at nanakaw dahil sa ginawang dayaan, subalit nagawa parin niyang manalo na kahit ang dayaan ay di umubra sa kalamangan ng boto niya. Ang ibig sabihin ay, people's choice nga siya sa pagiging Pangulo ng Pilipinas.

Samantalang napapadalas namang mabanggit ni Duterte ang kanyang sinasabing successor na si Bongbong Marcos, anak ng pinakamatalinong naging Pangulo ng Pilipinas at tanyag ang galing nito sa buong mundo. Kung sa magaling lang ay walang duda, si Marcos ay isang matino at magaling na leader na namana niya ito sa kanyang ama, ngunit sa kasalukuyan ay papayag ba ang mga Pilipino na basta nalang iwanan ng Pangulo ang kanyang opisina?

Matagal din na panahon naging alipin ang mga Pilipino sa mga sakim na namuno mula sa panahon ni Cory Aquino na naging pinto ng paglaganap ng kahirapan sa Pilipinas. Kaya nung dumating si Duterte ay mistulang naging isa siyang tagapagligtas ng buong bayan.

Dahan-dahan isinasalba ni Duterte ang mga Pilipino sa pagkaalipin sa droga, corruption, krimen at iba pa. Pilit na ibinabangon ng Pangulo ang kahirapan ng Pilipinas para naman umangat ang pamumuhay ng bawat mamamayan.

Kaya ang isang malaking katanungan, papayag ba ang sambayanang Pilipino na mag resign si Duterte? Papayag kaba na bumaba na sa pwesto ang Pangulo?

Loading...