Isiniwalat ni Atty. Glenn Chong ang karumal-dumal na panloloko ng dilawan, comelec, at smartmatic, dito makikita ng lahat ang mga pekeng balota na ginagamit ng dilawan tuwing eleksyon para mandaya.
Ayon sa mga isiniwalat na ebidensiya, ang sindikato ay matagal ng nanloloko sa sambayanang Pilipino mula pa noong 2010. Kontrolado ng dilawan ang eleksyon dahil hawak nila ang ulo ng comelec na dapat sana nagpapatupad ng isang maayos at malinis na halalan.
Makikita rin ng lahat ang kaibahan ng totoong balota at mga pekeng balota na pakawala ng Liberal Party. Ito ay isa sa paraan nila sa pagmamanipula sa bawat halalan sa ating bansa. Isipin mo, nagpapagod ang lahat sa pagpila tuwing eleksyon kahit na napakainit para lang makaboto subalit niloloko lang pala ang lahat.
Noong halalan 2016 ay binalak nilang dayain si Pres. Duterte subalit hindi na ito umubra dahil masyado nang hayag kung itutuloy pa nila dahil baka magwala ang sambayang Pilipino. Subalit ang nilaglag nila ay si Bongbong Marcos na ngayon ang patuloy na lumalaban sa kanyang elektoral protest laban kay Leni Robredo.
Mula pa noong 2010 ay sinasabing minanipula ng dilawan ang halalan na noon na naging dahilan sa pagkatalo ni Joseph Estrada laban kay Noynoy Aquino.
Maging noong nakaraang halalan 2016 matapos na ideklarang panalo si Leni Robredo ay napakaraming nagsilitawan na ebidensiya na nandaya ang dilawan para lang ilusot si Leni Robredo. Sa napakaraming pagsisiwalat na ito ay lumilinaw na ang katotohanang ang comelec ang mitsa ng mga karumaldumal na pandaraya sa ating bansa.