Sa napakarami ng ebidensya laban sa kalokohan ng Comelec at Smartmatic, mas manginginig na ang kampo ng dilawan ngayon dahil sa solid na ebidensya. Dapat safety na ito para hindi manakaw at masunog ng dilawan dahil gagawa at gagawa sila ng paraan para mailusot pa ang karumaldumal na kasalanan laban sa sambayanang Pilipino.
Atty. Glenn Chong reveals 1 million evidence against Comelec and Smartmatic
ATTY. GLENN CHONG IN SOCIAL MEDIA POST
Atty. Glenn Chong reveals 1 million evidence against Comelec and Smartmatic
ATTY. GLENN CHONG IN SOCIAL MEDIA POST
ISANG MILYONG PAHINA NG MGA EBIDENSIYA
MULA SA COMELEC AT SMARTMATICIto ang mga larawan ng isang milyong pahina ng mga printed documents tulad ng audit reports, audit.log printouts, ballot images, statistical reports, election returns and ballots lists mula sa mga SD cards ng Smartmatic at hawak ng Comelec. Ito ay galing sa Naga City at 7 pang bayan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.Umabot ng halos 2 taon bago nila ito ibinigay kahit na halos nagmamaka-awa na si dating Congressman Luis R. Villafuerte kay Andres Bautista at sa Comelec. Tulad ng ginawa nila kay BBM, pinahirapan din nila si LRV. Buti na lang at nagpalabas ng kautusan ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na ibigay na ang mga ebidensiyang ito kay LRV.Ang ibang mga kandidatong nagprotesta ay hindi gaanong mapalad. Tulad halimbawa sa protesta mula sa bayan ng Oras, Eastern Samar. Hindi talaga sila pinagbigyan ng Comelec.Ito ang matagal ko ng ipinaglaban sa Senate committee hearings. Ayaw talagang ibigay ng Comelec ang mga dokumentong ito dahil dito makikita ang mga bakas ng kanilang krimeng ginawa sa sambayanang Pilipino.Kasama ang 12 trained volunteers, siniyasat at binusisi namin isa-isa ang mga dokumentong ito sa loob ng mahigit 5 buwan upang patunayan ang maraming anomalya at iregularidad sa halalan at mga paglabag sa batas na ginawa ng riding in tandem (Comelec + Smartmatic).Dito makikita ang mga bakas ng pagtamper ng mga ballot images. Dito makikita ang kritikal na paglabag sa batas ng riding in tandem (Comelec + Smartmatic) na nagsilbing pintuan upang makapasok ang mga resulta mula sa mga peke o cloned voting machines. Dito makikita ang marami pang mga bagay na magpapatunay na hinding-hindi mapagkatiwalaan ang sistema ng Smartmatic.Aminado si Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Leni Robredo, na walang duda at authentic ang mga ebidensiyang ito dahil galing ito mismo sa Comelec at Smartmatic at inimprinta sa ilalim ng direct supervision ng HRET.