LOOK| Comelec at Smartmatic mas lalong nabuking


Sa pangalawang hearing patungkol sa kalokohan ng Comelec at Smartmatic na siyang ginagamit ng dilawan (Liberal Party) ay tila mas lalo silang nadiinan na minanipula ang boto ng sambayanang Pilipino noong 2016 election.

Ipinunto ng isang matapang na lawyer nasi Atty. Glenn Chong sa harap ng maraming opisyal at mga senators kung papaano pinaglaruan ng Comelec at Smartmatic ang mga boto ng sambayanang Pilipino na dapat sana maibibigay ang tamang boses ng lahat.

Subalit dahil sa kagagawan ng Comelec na nagpapagamit sa dilawan sa mahabang panahon na ay naglaho ang karapatan sana ng mga Pilipino na mamili ng totoong leader sa ating bayan at pilit na isiniksik sa balota ang iilang dilawan o Liberal Party.

May mga nawawalang audit sa mga naging boto, nawawalang listahan ng kompleto at pagkasunod-sunod na araw at bilang ng mga bumoto, isa lamang ito sa mga naisiwalat ni Atty. Chong na nagbigay diin sa panloloko na ginawa ng mga sindikato magpahanggang ngayon.

Sa laban ngayon ni Bongbong Marcos sa recount ay tila hayagan at kapansin-pansin ang mga ginagawa ng Comelec, na ginagawa nila ang lahat just to make sure na hindi malalaglag si Robredo sa pwesto kaya kahit hayagan na ang panloloko ay sige parin ang pandaraya at bias na mga desisyon gaya ng pagpayag ng Comelec na isama sa bilang ang 25% na vote shading, ang tindi mga kababayan di po ba?

Ngayong nahubaran na ang Comelec, Smartmatic sa totoong kalagayan nito ay nawa'y mamulat ang sambayanang Pilipino at makialam sa pangyayaring ito dahil matagal na tayong pinapaikot ng mga dilawan sa kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pandaraya.


Loading...