Ang rason kung bakit nakalimutan na ng mga Pilipino si Ninoy Aquino



Karamihan sa mga kabataan noon simula 90's ay nabigyan ng kasaysayan sa Pilipinas tungkol kay Ninoy na naging dahilan kung bakit sinaluduhan at hinangaan at tinawag na bayani si Ninoy Aquino. Isang kasaysayan na kinamulatan ng karamihan noon na isang rason kung bakit hinangaan si Ninoy at kinamuhian naman si Ferdinand Marcos.

Ngunit habang tumatagal ang panahon ay nagiging mapanuri ang mga Pilipino, lalong lalo na sa matunog na pamilya Marcos at Aquino. Kung noong una ay hanggang sa pakikinig lang ang mga kabataan sa kung ano ang sinasabi ng kanilang propesor sa mga eskwelahan, iba naman ang nagiging kaganapan ngayon.

Biglang namulat ang karamihan sa mga Pilipino sa katotohanang si Ninoy ay hindi bayani kundi isang traydor. Mas naging mapanuri at mapagsaliksik na ngayon ang mga Pilipino kung kaya't nagkaroon ng pagkakataon ang karamihan na malaman ang buong katotohanan.

Si Ninoy ay hindi namatay para sa bayan o pagmamahal sa bayan, kundi namatay siya dahil sa kanyang ambisyong maging Pangulo ng Pilipinas at mapalitan si Ferdinand Marcos.

Dahil sa wala na itong paraan para mapabagsak si Marcos ay gumawa ito ng paraan na kahit hindi niya mapalitan ang isang magaling na leader ay mapapabagsak naman niya ito sa pamamagitan ng kanyang planadong kamatayan.

Kaya totoo ang kasabihan ng marami na "Ninoy died for his political ambition, not for the Filipino People." Ito ang dahilan kung bakit nakalimutan na ng karamihan si Ninoy Aquino.

Loading...