Comelec ginagawa ang lahat para tulungan si Robredo



Wala na sa pwesto as chairman sa Comelec si Andres Bautista subalit gumagapang parin sa loob ng comelec ang pandaraya ng dilawan. Ito ay opinyon ko lamang tungkol sa isinasagawang recount sa Vice President sa pagitan ni Bongbong Marcos at Leni Robredo.

Kamakailan lamang ay pinanigan ng Comelec ang kampo ni Robredo na isama sa bilang ang 25% na votes shading noong nakaraang halalan 2016. Isa itong katawa-tawang desisyon ng Comelec taliwas sa kanilang mga isinagawang paalala gabay sa pagboto na buo dapat ang shading sa balota.

Dapat talaga sa manual recount ang tamang desisyon ay dapat buo ang shading sa balota walang sobra at walang kulang. Subalit sa isinagawang manual recount ay pinahintulutan ang 50% shading sa balota na kung titingnan mo ay approved sa Comelec pala ang kalahating shading sa balota? Isa itong malaking kalokohan na ginagawa ng Comelec.

Hindi pa nakontento, pinahintulutan din ng Comelec ang 25% shading!

Ibig sabihin pwede na rin pala ang halos tuldok nalang na pagka shade sa balota? It means, sa gagawing botohan sa 2019 pwede narin pala ang halos tuldok nalang?

Isipin natin ito mga kababayan, ang mga nabibilang na boto ni Bongbong ay buo ang pagka shade sa hugis ublong ng balota samantalang ang mga nabibilang naman kay Leni ay kalahati lang, or halos tuldok na lamang sa balota na pinapahintulutan ng Comelec.

TAMANG PARAAN NG PAGBOTO AYON SA COMELEC ITINUMBA NILA ANG PARAAN NA YUN PARA KAMPIHAN LANG SI ROBREDO, PANOORIN ITO.
Kayo na ang humusga sa pangyayaring ito, mistulang sindikato sa loob ng Comelec dahil sa lantarang kampihan ng Comelec at kampo ng dilawan.

Loading...