Sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi lang ang mabagsik na si Heneral Antonio Luna ang ayaw sumuko sa puwersang Amerikano isang siglo na ang nakalilipas. Sa Bicol, may isang heneral na hindi nagpadaig sa mga mananakop.
Si Heneral Ola ang may pinaka mahabang panahon na lumalaban, mula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa mga Amerikano na mananakop.
Siya rin ang pinakamabagsik at pinakahuling Heneral na lumaban sa mga Amerikano.
Nung makita niya na maayos na ang pamumuhay ng mga Pilipino sa pangunguna ng mga Amerikano ay kusa niyang itinigil ang paglaban nito.