ATTY. GLENN CHONG
Sa kanyang paghain ng Urgent Motion for Reconsideration sa PET dahil gusto niyang ipilit na bilangin ang kanyang mga boto na hindi pumasa sa 50% vote shading threshold, ipinalabas ni Robredo na siya ang dehado at biktima sa isang hindi patas na laban.
Ito ay isang malaking kasinungalingan dahil hindi si Robredo ang biktima. Siya ang totoong nakalamang sa laban na ito. Ang laban na ito ay hindi lamang nagsimula sa protesta sa PET. Ito ay nagsimula noong araw ng botohan at ang protesta ay karugtong lamang ng laban na iyon.
Lumamang si Robredo dahil ang Comelec at Smartmatic ay pumanig sa kanya. Kinalikot ang script ng Transparency Server sa kasagsagan ng bilangan at nagsimulang maubos ang halos 1 milyong boto na lamang ni BBM. Nagkaroon ng maagang pagtransmit ng mga resulta sa 459 presinto sa buong bansa isang araw bago pa man magsimula ang botohan. Pinalitan ang DNS Server sa kasagsagan ng bilangan at pinadaan ang mga resulta sa Queueing Server kung saan nagsimulang humatak ng boto at lamang si Robredo matapos maubos ang lamang ni BBM.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin kontento si Robredo sa kanyang bentahe kay BBM. Gusto pa rin niyang pilitin ang PET na bilangin ang kanyang maliliit na boto sa dalawang kadahilanan:
1. Ayaw niyang magkaroon ng “substantial recovery” si BBM dahil kung malaki ang ma-recover na boto ni BBM, tiyak magpapatuloy ang protesta sa nalalabing mga probinsiya at mga siyudad na prinotesta rin ni BBM.
Dahil marami sa maliliit na boto (25% ng oval) ni Robredo ang hindi mabibilang sa ilalim ng 50% vote shading threshold ngayon, bababa talaga ang bilang ng kanyang boto sa bawat presinto. Ang resulta nito ay “substantial recovery” para kay BBM. Tiyak magpapatuloy ang protesta.
Ayaw nga nilang magpatuloy ang protesta dahil hindi na kakayaning maniubrahin pa ng sindikato ang halos 34,000 ballot boxes na bubuksan kung magpapatuloy ang protesta. Maaring kinaya nilang maniubrahin ang 5,800 ballot boxes sa 3 pilot provinces dahil may 18 buwan sila upang gawin ito (July 2016 hanggang December 2017). Tiyak hindi na kakayaning maniubrahin pa ang 34,000 ballot boxes dahil tuloy-tuloy na ang protesta. Wala na talaga silang panahon upang gawin ito. Ito nga ngayon, mukhang hindi pa rin kinaya ang lahat ng 5,800 ballot boxes na maniubrahin kaya nga binasa, winala, at sinunog na lang ang ibang ebidensiya. To simplify their problem, kinailangan nilang harangin at all cost ang “substantial recovery” ni BBM upang hindi mabuking ang kanilang dayaan.
2. Ayaw ni Robredo na patunayan pa niya na lehitimo ang kanyang mga maliliit na boto (25% ng oval).
Malinaw ang sinabi ng PET sa pagbasura nito sa hirit ni Robredo na gamitin ang 25% vote shading threshold. Ayon sa PET, tila hindi naiintindihan ni Robredo ang revision process. Kung hindi man mabibilang sa kanya ang mga malilliit niyang boto sa revision proceedings ngayon, maari pa rin naman niyang angkinin o i-claim ang mga ito dahil sa revision proceedings wala pa namang pinal na pagbawas o pagdagdag ng mga boto sa magkatunggaling kandidato dahil ang kani-kanilang mga claims at objections ay pagdedesisyunan pa ng PET pagkatapos mahain ang kani-kanilang ebidensiya sa kani-kanilang claims at objections. Kaya ayon sa PET, walang dapat ikatakot si Robredo na magkaroon ng “sistematikong pagbabawas ng kanyang boto.”
Hindi ang “sistematikong pagbabawas ng kanyang boto” ang kinatatakutan ni Robredo. Takot siyang magpatunay na lehitimo ang kanyang mga maliliit na boto (25% ng oval) dahil maari rin siyang kontrahin ni BBM at ipakita na mga pre-shaded ballots nga ang mga ito. Upang maiwasan na mabuking na pre-shaded ballots ang mga botong ito, ipipilit ni Robredo na bilangin na ito ngayon upang hindi na niya kailangang angkinin o i-claim pa at hindi na kailangang patunayan pa dahil tiyak kokontrahin ito ni BBM at baka madale pa siya. Ito ang tunay na dahilan kung bakit siya allergic sa 50% vote shading threshold ng PET.
Ayon sa kanyang Urgent Motion for Reconsideration, bilang pagsasalarawan, ipinakita ni Robredo ang resulta sa Clustered Precinct No. 16 ng Balatan, Camarines Sur kung saan, ayon sa election returns mula sa makina, 358 ang kanyang boto samantalang 17 lamang ang kay BBM. Pero dahil sa 50% vote shading threshold na ipinapatupad ng PET, bumaba sa 346 ang kanyang boto habang 17 pa rin si BBM. In simple terms, ayon kay Robredo, nabawasan siya ng 12 boto habang wala namang epekto ang threshold sa boto ni BBM.
Ano ba ang pinapatunayan nito?
1. Hindi apektado si BBM sa anumang vote shading threshold ang ipapatupad ng PET dahil ang kanyang mga boto ay buong bilog ang may shade or at least 50% ng oval.
2. Si Robredo lamang ang apektado dahil may marami siyang mga boto na maliliit (25% ng oval), pandak, duwende o Yoda (Star Wars).
3. Sinungaling talaga si Mac dahil ayon sa kanya, hindi umabot sa 100 boto ang epekto ng 50% vote shading threshold kay Robredo gayong sa isang presinto pa lamang na ito, 12 na ang epekto nito sa kanya. Halos 300 presinto na ang nabilang muli ng PET. Kaya kung average ang 12 votes na epekto kay Robredo bawat presinto, 3,600 votes na ang total ng makakaltas sa kanya. Di na ito malayo sa nailathalang 5,000 votes na marecover ni BBM dahil may dalawa pang sources of recovery si BBM maliban sa vote shading threshold na ito.
Kaya ipipilit talaga ni Robredo na baguhin ang vote shading threshold upang pumabor uli sa kanya ang takbo ng protesta dahil ayaw niyang mabuking na galing sa pre-shaded ballots ang kanyang mala-Yodang mga boto.
Walang karapatan si Robredo na sumigaw na bigyan sila ng patas na laban. Hindi sila ang biktima rito.