Maraming nangyayari ngayon sa ating bansa na dapat maresulba, na dapat maayos, at dapat mabigyan ng solusyon, dahil kung hindi ito maaagapan ay baka mas marami pang trahedya ang mangyari dahil hindi ito naaksyonan.
BASURA SA PILIPINAS
Ang basura na nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalang pagbaha at nagdudulot ng malaking pinasala sa pamayanan, o sa buong siyudad. Ito ay isa sa malalang problema ng ating bansa dahil sa kawalang disiplina ng mga Pilipino.
KAWALANG DISIPLINA
Hindi lahat, pero karamihan. Karamihan sa mga Pilipino ay walang disiplina sa sarili na makikita natin ito sa paligid ng pamayanan o sa kahit saang sulok ng bansa.
Tapon ng basura doon, tapon dito, o tapon sa kahit saang lugar. Ito ang katotohanang bumabalot sa ugali ngayon ng mga Pilipino. Makikita mo sa kakalsadahan na ang mga pinoy matapos gamitin ang mga plastik na dala, pinagkainan, upos ng sigarilyo ay itatapon nalang sa kahit saan nang wala silang takot sa magiging resulta sa mga susunod na araw at panahon.
Kadalasan kapag nagkakaroon ng malaking pagbaha sa Metro Manila ay ang madalas tumbukin ng mga pinoy ay ang pamahalaan, ngunit hindi nila makita ang sarili nila na sila rin pala ang may gawa na dahilan ng mga malalaking pagbaha sa ating kapaligiran.
Real talk talaga ito para sa ating mga Pilipino! Sana nagiging aware ang lahat sa ating paligid. Sana nag aalala ang lahat sa ating kapaligiran, sana kaawaan natin ang ating kalikasan dahil mas kawawa tayo kung patuloy natin itong gagawin dahil lalamunin tayo ng mga trahedya na dulot lang din ng kawalang disiplina.
DAPAT MATUTUNAN
Matuto tayong magtapon sa maayos na basurahan sa ating mga pinaggamitang bagay gaya ng mga plastik at kung ano-ano pa. Sa totoo lang, madali lang naman talaga ito gawin ang problema lang ay walang disiplina ang marami.
Para sa mga Pilipinong walang disiplina, simulan niyo nang turuan ang sarili niyo na magkaroon ng disiplina, nang sa ganon hindi natin harapin ang malaking pangamba sa mga susunod na panahon.