WATCH: HISTORY FACTS| Mga sekretong tulay na pinatayo ng mga Espanyol sa Pilipinas


Bago paman dumating ang mga Espanyol sa pananakop sa ating bansa ay matayog at mataas na ang pamumuhay noon ng ating mga ninuno. Ang Pilipinas noon o Maharlika, orihinal na pangalan ng ating bansa ay isa nang mayaman na bayan.

Noong nasakop ang ating bayan sa ilalim ng Espanyol ay napanatili ng ating bansa ang pagiging progresibo at isang kilalang bansa sa buong mundo na mayaman at may mataas na antas ang pamumuhay ng mga Maharlikan o Filipino, hindi dahil sa Espanyol kundi talagang mayaman na ang ating bansa bago paman sila dumating.

Kapag narinig mo ang salitang tulay, ano agad pumapasok sa iyong isip? 

 
Sa isang dokumentaryo ng I Witness (GMA 7) ay inikot ni Kara David ang Tayabas, Quezon at Majayjay, Laguna upang alamin ang kasaysayan at pinagmulan ng mga tulay sa Pilipinas. Nasilayan niya ang Puente de Capricho (1851) at Puente de Malagonlong (1840), mga matatayog na tulay, may halos perpektong arko at ginawa pa noong panahon ng Kastila sa bansa. Ngunit ano nga ba ang sinasalamin ng mga tulay na ito sa ating nakaraan? Bakit may mga misteryosong sulat o ukit sa ilalim ng bawat arko ng mga tulay? Alamin ang kahalagahan sa kasaysayan ng mga tulay sa Tayabas, Laguna at maging sa Maynila sa pagsasaliksik ni Kara David.

Ilan lamang ito sa mga tulay ng mga Espanyol na natagpuan sa dokumentayo ng I Witness, dahil mas marami pa ito kung aalamin lang sa buong Pilipinas.

Loading...