Huwag nating kalilimutan kung ano ang ginawa ng mga namumunong dilawan noong nangyari ang Super Typhoon Yolanda sa kabisayaan lalo na sa Leyte. Matapos hagupitin ng malakas na bagyo na pumatay sa libo-libong mga kababayan natin sa Visayas.
Ngunit matapos ang trahedya ay may isa pang trahedya na nangyari, ito ay nung nakawin ng Aquino Administration ang mga donasyon ng ibang bansa para sana sa ating nga kababayan na nakaligtas.
Dumagsa ang di mabilang na mga tulong mula sa buong mundo para sa mga survivors na kung iisipin lang ay agad-agad makakabangon ang mga taga Leyte mula sa sinapit ba trahedya, subalit napaglaruan sila ng mga dilawan.
Bilyon-bilyon ang ninakaw na tulong sa mga taga Tacloban o sa buong kabisayaan, kapansin-pansin ito sa kanilang sitwasyon doon, walang makain, matirahan, at pinabayaan sila ng pamahalaang Aquino.
Oo nagpatayo ng mga bahay subalit mistulang kubo lang ito at walang tubig, mangyak-ngiyak si Mayor Romualdez dahil halos hindi sila kayang pansinin ng pamahalaan at ang masaklap ang dapat sanang pera na para sa ating mga kababayan sa Leyte ay ninakaw ng mga mandarambong na dilawan.
Dalawa ang trahedya na sinapit nila, ang una ay ang pinakamalalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo, ito ay ang yolanda at ang pangalawa naman ay ang pinakamalalakas na pagnanakaw ng yellow administration.
Kung may balak pa kayong magpaupo ulit ng isang dilawan, marahil maulit ito kung di tayo magigising sa katotohanan.
Napakalaki ng kasalanan ng Aquino Administration sa ating bayan.