Malaki ang ipinagbago ng Pasig River sa taong ito, at nabubuhay na muli ang napakagandang ilog. Ang mga estero na noon ay napakarumi ay napakalinis na. Makikita natin dito na ang laki na ng ipinagbago ng ilog Pasig dahil sa maayos na pamamalakad ng ating pamamahalaan. Ang PRRC ay nakatutok sa pagpapaganda ng Pasig River at pagbabalik nito sa dating kaayosan.