Isang lalaki ang gumawa ng modus sa Muntinlupa City. Kunwaring mabubundol sana ang lalaki ng isang sasakyan upang makadelihensiya, ngunit pumalpak ito. Hindi kasi convincing ang acting ng isang lalaki, at ang masaklap, may "dashcam" ang napili sana niyang bibiktimahin sa kalsada.