Sa wakas, naramdaman na rin ang war on drugs sa Iloilo dahil sa nalalapit na paglipat na ni Chief Insp. Espenido sa Iloilo City. Ang Numero Uno na drug lord sa Iloilo napatay ng mga Pulis dahil sa nanlaban ito.
PANOORIN ANG POLICE INTERVIEW:
Dakong alas-diyes ng gabi nang mapatay ang No.1 drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido alyas “Buang” at isa pang suspek matapos manlaban umano sa mga pulis.
Noong Hulyo pa nitong taon inihayag na national target na si Prevendido at kasama sa most wanted list ng PNP na may P1.5 milyong reward money. Siya ang lider ng Prevendido Drug Group, isa sa dalawang pinakamalaking drug group sa Iloilo.
Sa Lunes naman, inaasahang pormal na maghaharap sina OIC Espenido at Mayor Jed Mabilog at inaasahang lilinisin ni Espenido ang buong Iloilo gaya ng ginawa niya sa lugar na kanyang napamunuan.