P1K BUDGET| CHR nanganganib dahil sa pagtatanggol sa mga kriminal



Nanganganib ngayon ang Commission on Human Rights dahil sa kakapiranggot na 2018 na inilatag ng Kamara. Nagdesisyon ang Kamara na P1,000 lang ang ibigay na budget sa CHR dahil sa lantaran umanong pagtatanggol nito sa mga kriminal.

Sinabi narin ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez noon na kung siya ang madidesisyon ay zero budget ang ilalabas para sa CHR dahil nga wala itong nagagawang matino para protektahan ang mga mamayang Pilipino na siyang tunay na nabibiktima ng mga drug addict at mga kriminal.

Kapansin-pansin din ang pag-panig ng CHR sa Liberal Party o madalas tawaging "Dilawan". Ang CHR rin ang madalas na bumatikos sa pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa War On Drugs. Lantaran silang kumakampi sa mga drug lord, pushers, o mga addict na napapatay kapag nanlalaban ito sa mga Pulis.

Pinasasama rin lagi ng CHR ang imahe ng Philippine National Police dahil sa panay sisi nito kapag may nanlalaban na mga kriminal, ngunit tahimik ang CHR sa mga napapatay na mga Pulis dahil sa War On Drugs.

"Hindi naman zero, 1000. Kasi hindi nila ginagawa yung trabaho nila. Yung mandato nila under the Constitution, hindi nila ginagawa. Ngayon kung gusto mong protektahan yung rights ng mga kriminal, e kumuha ka ng budget doon sa mga kriminal. Ganun lang kasimple yun." Alvarez said.

Marami na ang nabiktima ng rape, massacre, at mga biktima ng mga gumagamit ng droga, pero ni isang taga CHR ay hindi pa nabalitang nagkaroon sila ng suporta at ipagtanggol sana ang mga tunay na mga nabibiktima ng mga kriminal.


Loading...