Isa na namang black propaganda kung tawagin ng netizens ang ginawang dokumentaryo ng GMA na ginanapan ni Alden Richards.
Ang dokumentaryo ay laban sa Martial Law, at ipinapakita dito ang kasinungalingan na masama raw ang Martial Law at ang sinisisi na naman ay si Marcos.
Nakitaan agad ito ng butas ng mga pinoy kung kaya't naglagablab ang galit ng netizens sa social media at binatikos ang pamunuan ng GMA dahil umano sa mga kasinungalingan sa dokumentaryo.
Hindi kasi ipinakita kung ano ang magandang naidulot ng pagdeklara ng batas militar. Dahil sa Martial Law bumuhos ang imprastraktura sa Pilipinas na hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng lahat.
Dahil sa Martial Law, napigilan ang pananakop ng mga komunista sa Pilipinas at napanatili ang demokrasya sa bansa.
Kung kaya't itinuturin na paninira na naman ito ng GMA sa mga Marcos at sa administrasyong Duterte para palabasin na masama ang Martial Law.
NARITO ANG MGA NAGAAPOY NA KOMENTO NG NETIZENS:
Para sa mga hindi nakakaalam, ang Martial Law ay constitutional at nakasaad sa batas na karapatan ng pangulo na ideklara ito kung mayroong malaking banta ang isang bansa.
Kung tatanungin mo ang mga mahihirap na nakaranas noong Martial Law, madalas na sinasabi nila na naging payapa ang buhay nila noong panahong iyon dahil sila ay law abiding citizen. Ngunit naging isang bangungot naman ito sa mga walang disiplina, di marunong sumunod sa batas, at lalo na sa mga komunista.