Lahat na ay ginagawa ng dilawan para makuha ang simpatya ng mga Pilipino at pumanig sa kanila ngunit wala silang makuha. Ginagawa na nila ang lahat para lang mapagsak si President Rodrigo Duterte ngunit wala parin itong magawa.
Ginagamit na ng Liberal Party ang buong pwersa ng dilawan gaya ng mga pari, mainstream media, mga kakamping pulis ng dilawan, senador, mga kongresista, mga unibersidad na hawak nila, ngunit wala parin silang makuhang suporta mula sa sambayanang Pilipino.
Ilang beses na nila sinubukang magtawag ng rally laban sa pamahalaan ngunit wala paring nagyayari. Si Risa hontiveros nanawagan ng rally ngunit hindi parin niya makuha ang suporta ng mga Pilipino. Nilalangaw lagi ang kanilang panawagan sa mamamayan na lumaban sa pamahalaan, bakit kaya?
Nanglilimos na ang buong pwersa ng dilawan ng suporta sa mamamayang Pilipino na lumaban sa pamamahala ni President Duterte, pero hindi ito pinapansin ng mga Pilipino dahil sa nagising na ang lahat sa katotohanan, katotohanang dahil sa dilawan ay sumubsob sa kahirapan ang Pilipinas.
Kung noong una ay nabiktima ang iilang pinoy noong panahon ni Marcos at nakuha ng dilawan ang suporta ng mga Pilipino dahil sa mga kasinungalingan at lumaban ang mga ito kay Pangulong Ferdinand E. Marcos, ngayon ay iba na dahil namulat na ang lahat sa mga pangloloko ng dilawan.
Mula kasi nang maupo si Cory Aquino ay dahan-dahan na bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Isipin natin, noong si Marcos pa ang namamahala sa bansa ay nasa mataas na antas ang ekonomiya ng Pilipinas, pero nung umupo si Cory sumadsad sa kahirapan ang ating bayan.
Umikot ang bansa natin sa pwersa ng dilawan, hanggang sa dumating si President Rodrigo Duterte, biglang nagbago ang lahat. Ang mga totoong pasaway sa pamahalaan ay napaparusahan, ang mga corrupt officials ay naihahayag na. Biglaang naging matino ang pamahalaan ng Pilipinas, dahilan na ang dilawan ay halos hindi na makagalaw.
Lahat ng koneksyon ng LP ay halos putol na kaya ngayon naghihirap na ang partido nila. Kaya panay na ang panawagan at paggawa ng mga black propaganda laban kay Duterte, upang makuha nila ang simpatya ng tao pero bigo parin sila hanggang sa ngayon.
Pansinin niyo, patuloy na nananawagan ng dilawan na lumaban na kay Pres. Duterte ngunit may pumapansin ba? siguro may pumapansin naman subalit iilan lang, iilan lang mga mangmang. Gising na kasi ang mga Pilipino, alam ng lahat na kapag makapasok pa ulit ang dilawan sa mataas na pwesto, magiging kawawa ulit ang ating bayan, at hindi na papayag ang lahat na ganon muli ang mangyari.
Ngunit maging mapagmatyag tayo, dahil hindi parin humihinto ang dilawan sa panawagan sa mga Pilipino at paninira sa pamahalaan. Nananatili parin silang umaasa na sa kanilang pagmamakaawa ay magawa ulit nilang mangmang ang mga Pilipino.