Senador Dick Gordon, naghain na ng ethics complaint laban kay Senador Antonio Trillanes na aso ng dilawan.
Ayon sa 23-pahinang complaint ni Sen. Gordon, wala itong kinalaman sa pulitika, “party lines, political alliances or color”.
Ang nangyayari daw ay sunod-sunod na paninira ni Trillanes sa Senado bilang institusyon. Malimit din daw ang pagbitiw niya ng masasakit na salita at hindi maayos na asal na nakasisira na sa mga committee hearings.
Ginagamit na raw ni Trillanes ang Senado na forum para sa kanyang agenda laban sa kanyang mga kaaway.
Kaya hiling daw ni Sen. Gordon, imbestigahan ng Senate Ethics Committee ang unparliamentary conduct at disorderly behavior ni Trillanes at mapatawan siya ng naaayong parusa.
Dagdag pa ni Gordon, “He just keeps on doing the same thing. A man like that doesn’t belong in a Senate of august men and gentlemen. You do not do that to the chairman. You do not do that to your fellow senators and say that they are a bunch of puppets.”
Matatandaang nagkasagutan ang dalawa sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee nung nakaraang linggo dahil sa pambabastos ni Trillanes kay senador Gordon.