Nakitaan ng Senate Ethics Committee na ‘sufficient in form and substance’ ang isinampang reklamo ni Senator Richard Gordon laban kay Senator Antonio Trillanes IV kaya naman inaprubahan na ang reklamo.
Ginagamit na raw ni Trillanes ang Senado na forum para sa kanyang agenda laban sa kanyang mga kaaway.
“He just keeps on doing the same thing. A man like that doesn’t belong in a Senate of august men and gentlemen. You do not do that to the chairman. You do not do that to your fellow senators and say that they are a bunch of puppets,” sabi ni Gordon.
Bibigyan naman ng 10 araw si Trillanes para sagutin ang nasabing reklamo. Pagkatapos ay bibigyan ulit ng limang araw si Gordon para sumagot ulit sa isasagot ni Trillanes. Matapos nito, duon palang magdedisisyon ang komite kung magkakaroon ba ng trial.
Kung sakaling mapatunayang guilty sa reklamong “unparliamentary conduct” si Trillanes, mahaharap siya sa 60 araw na suspensiyon o ‘di kaya’y pagkakatanggal.