APO LAKAY 💯 YEARS| Isang tunay na Bayani




Isang makasaysayang pagdiriwang ang naganap sa ika-100 na taon ni Pangulong Marcos na ginunita sa Libingan ng mga Bayani at sa Ilocos Norte, ang bayan ng mga magagaling na pinuno ng mga Ilocano.

Panigurado, nanginginig na naman ngayon sa galit ang dilawan dahil sa pagdiriwang na ito, hindi kasi nila matanggap na kahit siniraan nila ng husto si Pres. Marcos ay wala parin silang nagawa dahil nauungkat parin ang katotohanang naging isang mabuti si Marcos na lider sa Pilipinas.

Kung sasaliksikin kasi ang totoong kasaysayan ay positibong malalaman ng lahat ang totoo, ano ngaba ang totoo? Na si Ferdinand E. Marcos ay hindi lang basta magaling, matalino kundi, isa siyang tunay na bayani sa lahi ng mga Maharlika o mga Pilipino.

Marahil itatanong ng iilang hindi pa nakakaalam sa totoong kasaysayan kung papaano siya naging isang tunay na bayani, kung papaano nangyari iyon dahil nga sa mga libro ng Pilipinas ay sinasabi doon na masama si Marcos, magnanakaw at maraming inabuso.

Tandaan natin na ang libro ng kasaysayan ang maraming hindi naisulat at marami rin ang tinanggal. Gaya nalang noong sapilitang naging Pangulo si Cory Aquino, pagkaupo niya ay lahat ng bagay o proyekto na makakapagpaalala sa mga kabutihan na nagawa ni Marcos ay sapilitan niyang hindi ipinagamit.

Gaya nalang ng Bataan Nuclear Power Plant na malaking tulong sana ito subalit hindi niya ito pinabuksan dahil maalala raw ng marami si Marcos. Ang mga gawang Missile mismo na gawa ng pinoy at una sa Southeast Asia ay inabanduna ito.

Maging ang mga libro natin sa kasaysayan ng bansa ay binago lalo na kapag tungkol kay Marcos na, sinaklaw ng dilawan ang mga libro ng kasaysaya at isinalin doon ang kasinungalingan na masama si Marcos na mismo ako ay isang biktima noon nung wala pa akong nalalaman sa kung ano ang totoo.

Papaano si Apo Lakay naging bayani?

Noong World War 2 isa siya sa namuno sa isang pangkat na matalinong nilabanan ang mga hapon sa ating bansa, napakaraming kampo ng kalaban ang nawasak nila kung kaya't matapos ang digmaan ay humakot si Marcos ng napakaraming parangal dahil sa kanyang katapangan na ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa bayan.

1970's patindi ng patindi na ang paglaganap ng mga komunista sa Pilipinas, nalaman ni Marcos na isa itong plano para pabagsakin ang Republika ng Pilipinas at planong sakopin ang buong bayan ng komunismong pamamahala.

Iba't-ibang kaguluhan ang sumiklab, dahil sa mga black propaganda ay ang ilan ay sumama sa pangkat ng mga komunista, marami ang nauto lalo na ang mga kabataan noon. Sumama sila sa grupo ng mga komunista at nanggulo sa Pilipinas bilang bahagi ng kanilang planong pagpapabagsak sa demokrasya ng ating bansa.

Kaya noong 1972, nagdeklara sa Pangulong Marcos ng Martial Law na naging aktibo sa buong Pilipinas. Ang dahilan sa pagdeklara nito ay para pigilan ang gulo sa Mindanao at higit sa lahat ay para puksain ang plano ng komunista na pabagsakin sa kanilang kamay ang pamahalaan.

Dahil dito nawalan ng pangil ang mga NPA laban sa pamahalaan dahil lahat sa kanila ay tinugis ng militar. Pinairal ni Marcos ang disiplina sa ating bayan at malinis na kapaligiran.

Naging payapa ang panahon ng Martial Law para sa mga masunurin sa batas at may disiplina, pero sa nga ayaw sumunod at mga walang disiplina ay lubha silang naghinagpis. Maraming proyekto ang naipatayo noong Martial Law at ang ekonomiya ay lumago ng lumago.

Kung walang isang Marcos ngayon na tumayo para sa ating bayan, malamang ang Pilipinas ngayon ay isang bansang hindi malaya, isang bansa na hindi umiiral ang demokrasya.

Kung walang isang Marcos na nagdeklara ng Martial Law ang Pilipinas ngayon ay katulad na sa North Korea na ang mga tao ay sunod-sunuran dahil nga walang demokrasya.

Si Marcos ay isang tunay na bayani, na kung tutuusin siya ang may maraming nagawa sa ating bayan para ipagtanggol ang lahi natin sa dami ng nagbanta na sumakop sa atin.

PANGULONG FERDINAND E. MARCOS, isang tunay na bayani na dapat nating ipaalam sa lahat ng ating mga kababayan.

Loading...