WATCH| Ang nakakaluhang graduation ng mga dating drug addict sa Rehab






Send-off ceremony sa kauna-unahang Mega Drug Abuse Treatment Rehabilitation Center (DATRC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Graduate na at makakalabas na ang 53 na dating mga drug addict matapos ang anim na buwang rehabilitation program.
Kabilang ang pagtatayo ng mga drug rehabilitation facilities sa mga pangako ni Pres. Duterte sa kanyang unang SONA noong 2016.  Pinasinayaan ang DATRC noong Disyembre 2016.  Mayroon itong kabuuang sukat na 100,000 sq.m. at may 10,000 bed capacity.  Pinondohan ang rehab facility ng Chinese real estate billionaire at philanthropist na si Huang Rulun.
Layon ng gobyerno na makapagpatayo ng isang DATRC sa bawat 18 rehiyon sa bansa.  Long-term goal naman magkaroon ng rehabilitation centers sa lahat ng probinsiya.

Loading...