Opinyon| Posible kayang dilawan ang nasa likod sa pagkapaslang kay Kian?


Noong umupo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ama ng mga Pilipino (Maharlikan) ipinag-utos niya kaagad sa mga kapulisan na tugisin ang lahat ng mga gumagamit ng bawal na gamot, mga pusher, mga drug lord, at maging ang mga NARCO politicians.

Libo-libo ang sumuko sa mga alagad ng batas at halos lahat ay nagpa-rehab, maraming napatay ang mga alagad ng batas sa dahilan na ang mga adik, drug lord o mga pushers ay lumalaban ng patayan. Kadalasan kasi ang mga adik ay mga sabog sa droga kaya kung natitimbog ng mga Pulis ay nakikipag barilan.

Samantala, sa mga kapulisan naman ay marami rin ang nasawi dahil sa laban kontra illegal drugs. Sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay may mga nasawi ring mga Pulis dahil sa mga nalalabang mga adik. 

Ang masaklap dito ay imbes  na ang mga alagad ng batas na napapatay ay bigyan ng simpatya ng mga Pari, CHR, at lalo na ang Liberal Party (Dilawan) ay mas kinampihan pa ang mga kriminal na napapaty kapag nanlalaban.

Kadalasan na pumuputak ay ang mga Liberal Party, tila ipinagtatanggol pa ang mga animal na kriminal. Panay batikos sa pamahalaan kasi nga marami raw ang napapatay na mga adik at pilitang pinagdidiinan na masama si Duterte, mamatay raw si Duterte.

Ito ay isang opinyon lamang tungkol sa ilang adik na napapatay ng mga Pulis, isa na dito ay ang pagkakapaslang kay Kian na isang drug runner. Pinatay raw ito ng mga Pulis ng walang kalaban-laban. Isipin natin ito, kapag isang adik o kriminal ang napapaslang, ang dilawan katulad ni Trillanes, Hontiveros, Kiko, Leni at iba pa ay puputak kaagad laban kay Duterte.

At kataka-takang ang mga kriminal na napapatay ay sila pa yung kinakatigan ng CHR, Pari at ng dilawan, at ang matindi nito, dinadalaw pa mismo ng mga ito. Wala namang problema sa pagdalaw sa mga napapaslang na kriminal pero tila halatang di patas. 

Nasaan sila nung may mga na rape ng mga adik? Nasaan sila nung may napatay na mga bata dahil sa adik? Nasaan ang dilawan nung namasaker ang buong pamilya sa Bulacan ng mga adik? absent sila diba? at ang tatahimik ng dilawan. Samantalang ang Pangulong Duterte ay dinadalaw ang mga tunay na biktima ng mga kriminal.

Ito ay isang opinyon lang bilang mamayang Pilipino. Hindi kaya ang mga Pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian ay konektado sa Dilawan? At ang utak nito ay isang Dilawan?

Kapansin-pansin kasi, binisita ng mga LP members ang burol ni Kian at nagsasalita sila laban sa pamahalaan gaya ng masama si Duterte, mamamatay tao si Duterte. Ginagamit nila si Kian upang sirain ang imahe ni President Duterte at magwakas na ang War on Drugs.

Tila gusto ng dilawan na bumagsak si President Duterte at kinukuha ng dilawan ang emosyon ng mga Pilipino at nang sa ganon ay magalit ang mamamayan kay Duterte. 

Kaparehas na kaparehas ito nung panahon ni President Marcos, pinapaslang si Ninoy at ang itinuro si Marcos. Hindi tinanggal ang dugo sa mukha ni Ninoy isang kasangkapan na nagbigay galit sa iilang Pilipino na labanan si Marcos dahil nakuha ng dilawan noon ang emosyon ng ilang Pilipino, ngunit lumabas din naman na ang totoo walang alam si Marcos sa pagkapaslang. Marahil alam niyo na kung sino ang pumatay kay Ninoy.

Ganito din ang ginagawa ng dilawan, gusto nila na bumagsak si Duterte dahil hindi makagalaw ang kanilang mga paa at kamay hanggang may matinong Pangulo na nag papairal ng may ngipin na batas. Posibleng isa sa utak ng pagkapaslang kay Kian ay isa ring dilawan. Gusto nila na magwala ang mga tao at maging masama sa paningin ng mga mamamayan si Duterte.

Nito lamang ay nagalit si Pangulong Duterte at sinabi nito na kakastiguhin niya ang mga Pulis na abusado na sinisira ang imahe ng pamahalaan.

Nawa'y huwag tayo magpaloko sa mga black propaganda ng dilawan. Maging aral na satin ang nakaraan kung paano sinira si Marcos ng mga kasinungalingan ng dilawan na dahilan kung bakit naloko ang ilang mga Pilipino at na napaniwala sa mga kasinungalingang masama raw si Marcos.

Patuloy nating labanan ang mga nasa maskara na nagkukunwaring mabait subalit sa demonyo ang puso at utak. Ingat tayo sa mga pausong black propaganda baka magkamali na naman tayo.



Loading...