Apatnapung Barangay Chairman sa Ozamiz na mga kaalyado umano ni Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog ang nagsuko na ng mga armas kay Police Chief Inpector Jovie Espenido. Ito ay matapos magbigay si Espenido ng ultimatum noong Linggo.
“According sa rebelasyon ng tao nila, lahat ng mga baril ay dinispose sa mga tao nila para kung may tatrabahuin eh ikaw magtrabaho doon” ayon kay Espenido
Isa raw sa naging kasunduan sa mga Barangay Chairman ay hindi na sila isasama ni Espenido sa kanyang mga raid at hindi na rin kakasuhan.
Sorpresa namang dinalaw ng Ozamiz PNP ang dating mansyon ni Mayor Parojinog sa Bacakay, Ozamiz City na pinagiba nang umupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
“As if hindi sila mayaman, bumalik na sa kanilang bahay na maliit para siguro… eh alam naman ng lahat na involved sila sa drugs,” sabi ni Espenido
Ngayon lang daw napasok ang lugar dahil dati raw itong guwardiyado ng private army. Bagsakan rin umano ito ng mga iligal na droga at taguan ng mga baril.
Nagsisilbi rin daw umanong libingan ang mansyon ng mga kalaban sa negosyo ng mga Parojinog. Ginagawa rin daw umanong meeting place ito ng mga Parojinog sa tuwing mayroon daw kidnapping at highway robbery na gagawin.
Kaya naman plano raw ni Espenido na ipahukay ang ginibang mansyon, “Yun nga hinahanap natin ngayon, kung saan ba inililibing”
Ganito na pala kalalim ang involvement ng mga Parojinog sa negosyo ng droga sa Pilipinas na kung hindi si Pangulong Duterte naupo ay mamamayagpag pa sila sa mundo ng illegal drugs.