WATCH THIS VIDEO:
Ang Bayan ng Jiabong ay pinangungunahan ng kanilang Mayor, Jocelyn U. De Jesus. Isa sa mga ipinapangako ng mga opisyal dito ay ang pagpapaayos ang kanilang kawawang kakalsadahan upang mabilis at maayos na maihahatid ang kanilang mga produkto bilang kanilang hanap-buhay, subalit kapag nananalo na ay kinakalimutan na ito.
Ang mga residente ng Jiabong Samar lalo na sa mga barangay na naroon sa bundok ay humihingi ng tulong sa ating pamahalaan o kay Pangulong Duterte na matulungan ang kanilang kalsada na mapaayos ito dahil hindi ito pinapansin ng mga corrupt officials ng kanilang bayan.
Humihingi rin ang mga residente ng Jiabong ng tulong sa netizens na patuloy itong isiwalat hanggang sa marinig ito ng pamahalaan. Ang kalsada papunta sa mga malalayong barangay ng Jiabong tulad ng mula sa brgy Catalina, Camarubo-an, Lulugayan, Malino, at iba pang mga barangay ay tapos na raw ipasimento kung titingnan ang record noon paman sa panahon pa raw ni Pangulong Ramos ngunit, hindi ito ang makikita mo sa Jiabong dahil kawawa parin ang kanilang kalsada.
Maging ang Governor at Congressman ng Western Samar ay alam nila na tapos na sa papel ang kalsada sa Jiabong pero sa papel lang dahil ang katotohanan ay walang nangyari sa proyektong ito dahil kinamkam lamang ito ng mga opisyal doon.
Hanggang ngayon bingi-bingihan parin ang mga opisyal doon at hindi pinapansin ang boses ng mga residente kaya't patuloy ang paghihirap ng mga kababayan natin sa Samar dahil sa mga corrupt officials.
Nawa'y magkaroon tayo ng habag at ikalat natin itong kawawang kalagayan ng ating mga kababayan sa Jiabong Samar dahil sa pinababayaan ito ng kanilang mga inihalal na lider.