By: Sangkay Janjan
T'wing August 21 ilan sa mga Pilipino ay lumalabas sa kanilang mga tahanan at nakasuot ng dilaw na damit, tila isang pagtitipon ang pupuntahan upang magdiwang.
Matatawag ito na padiriwang ng mga mangmang sa pekeng kasaysayan ng Pilipinas, tila sinasamba nila si Ninoy Aquino na parang dios ng kanilang pamilya at pagkatao, ngunit ang hindi nila alam, sila ay bulag sa tunay na landas na kanilang tinatahak.
Wala silang alam sa tunay na kasaysayan ng Pilipinas at sa kung ano ang tunay na pagkatao ni Ninoy Aquino kaya ang nasa isipan nila, dapat itong ipagdiwang raw dahil ipinaglaban raw ni Ninoy ang demokrasya. Kalokohan! papaano lumaban siya para sa demokrasya kung isa siyang komunista?
Hindi nila alam na si Ninoy ay isang traydor sa Pilipinas, bakit? siya lang naman ang bumuo ng grupong komunista sa ating bansa noon na naging dahilan sa kaguluhan ng buong bansa. Sadyang mangmang nga naman sila dahil hindi nila alam ang katotohanang ito.
Hindi rin nila alam na si Ninoy ang dahilan kung bakit hindi na natin mabawi-bawi ang Sabah sa Malaysia noong ilantad niya ang planong misyon ni Pangulong Marcos na bawiin ang Sabah. Tunay ngang walang alam sila kasi nga mangmang.
Ano ang nagawa ni Ninoy para maging bayani? wala tama? nagpakamatay lang siya sa MIA para masira si Marcos at yun lamang ang tanging maalala ng lahat. Wala siyang nagawa pero bakit ginugunita ito ng iilan? iisa lang ang sagot, kasi nga mangmang sila.
Dapat bang gunitain ang isang tao na naging dahilan kung bakit nagkandahirap-hirap ang ating mahal na bayan? ang malinaw na sagot diyan ay "HINDI" pero kung ikaw ay isang ganap na mangmang? makiisa ka sa kanilang pagdiriwang.