Leadership ni Pangulong Duterte, epektibo kaya lalong tumaas ang kanyang ratings



Mas lalo pang tumaas ang satisfaction rating ng mga Pinoy kay Pres. Rodrigo Duterte base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).  Nakakuha ang pangulo ng +66 na net satisfaction rating na katumbas ng “very good”.  Mas mataas ito ng tatlong puntos mula sa +63 na survey noong Marso.

Ang survey ay ginawa isang buwan matapos ideklara ang batas militar sa Mindanao.
Para kay Sen. Sonny Angara, isang dahilan marahil ang aksyong ito ni Duterte na naka-apekto sa resulta ng survey.  “Malamang ang pinapakita nito ay yung malawakang suporta ng publiko sa kanyang aksyon laban sa terorismo at sa pagpasok ng Maute/ISIS sa Marawi City”, sabi ni Angara.
Ganito rin ang saloobin ni Sen. JV Ejercito.   “People understand that the intention of the declaration of martial law in Mindanao is for the resolution of the rebellion in Marawi. Majority of the people in Mindanao specially are in full support because they want the crisis to end as soon as possible”, ayon kay Ejercito.
Para naman kay PBA partylist Rep. Jericho Nograles, ang mataas na ratings ng pangulo ay patunay ng suporta ng tao sa kanyang mga polisiya.  “Hindi pa in full steam ang mga programa pero malakas na ang suporta. I am expecting results to go higher once the Build Build Build program is in full force,” sabi ni Nograles.
Tingin naman ni AKO BICOL partylist Rep.  Rodel Batocabe, pinagkakatiwalaan ng maraming Pinoy ang pangulo dahil sa sinseridad at magandang ipinapakita nito.  “The people trusts him because they know that he speaks from the heart and feels his sincerity. The economy is doing good, inflation and unemployment  are relatively low.”
Lalo pang pinatunayan ni Pangulong Duterte na ang kanyang pagsisilbi sa bayan ay tapat at nakikita ito ng marami lalong-lalo na sa mga mahihirap na natutugunan niya ng aksyon para maresolba ng dahan-dahan ang kahirapan.


Loading...