BAWAL ANG PASAWAY NOONG GOLDEN ERA
Kapag binabanggit ko ang Pangalan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa mga matatanda na nakaabot sa kanya, isa lang ang sinasabi nilam si Marcos ay isang tapat at magaling na lider.
Isa sa mga problema ngayon ng Pilipinas sa ating lipunan ay ang mga pasaway na mga Pilipino. May mga tambay na walang ibang ginawa kundi maglasing at manggulo sa pamayanan na lubhang pahirap sa mamamayan.
May mga siga-sigaan na nagkalat sa kakalsadahan ngayon, na nang aapi sa mga Pilipino na namumuhay ng maayos. Problema nga naman ngayon ang mga pasaway na mga Pilipino.
Pero noong nasa kaayosan pa ang Pilipinas sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos, hindi uubra ang mga pasaway na ito sa ating pamayanan noon. Walang sinasanto ang mga pulis noon sa kalsada, kapag nagkasala ka may parusang katumbas.
Mayroong curfew noon, at disiplinado ang mga Pilipino na ang mga sumusunod noon sa batas ay tahimik at mapayapang namumuhay, samantalang ang mga suwail naman ay kulungan ang kinahahantungan.
Maging sa mga kakalsadahan ay may nagaabang nang kulungan sa mga siga o mga pasaway gaya ng mga inuumaga nang mga lasing na ayaw paawat, Isa sila sa mga bumabagsak sa kulungan ng kalsada noon.
Kaya naman ang mga Pilipino noon ay masagana at masayang namumuhay sa ating bansa, malago ang ekonomiya, mababa ang mga bayarin at bilihin, iginagalang ang mga pinoy ng mga karatig bansa, may isang mabuting Pangulo, at higit sa lahat DISIPLINADO noon ang mga Pilipino.
Sana maibalik ang ganitong kalagayan ng ating lahi isang pangarap na mamuhay muli ang mga Pilipino sa ganitong kalagayan katulad noong panahon ni President Marcos.