Ang usapin ng mga multicab na binibigyan ng isyu ni Rudy Farinas upang pabagsakin ang mga Marcos sa Ilocos at hindi makaupo si Bongbong Marcos bilang Bise Presidente.
Ghost project ba? Hindi. Alam ng mga taga Ilocos Norte at nakikita ang mga ito at ginagamit araw araw simula pa noong 2011. Kasama si Congressman Farinas mismo na nagdistribute ng mga sasakyang sinasabi niyang maanumalya. Panoorin ang video.
Overpriced ba? Hindi. Ayon mismo sa pagtatanong ni Congresswoman Gwen Garcia sa House hearing sa Foton, mas mababa di hamak ang presyo ng mga binili ng probinsiya.
Panoorin ang video.
Panoorin ang video.
Maayos ba ang pagkuha sa mga sasakyan? Oo. Ayon sa report ng COA mismo noong 2011-2013 walang nakitang anumalya sa pagbili ng mga multicab. Walang 'adverse findings' na nakita o AOM na ibinigay sa probinsiya.
Pinakikinabangan ba ng lokal na pamahalaan at mga magsasaka? Oo. Ayon mismo sa mga interview dito sa video sa mga mismong beneficiaries. Panoorin ang video.
Nasaan ang mga orihinal na dokumento na gustong makita ng Ilocos6? Ayon sa affidavit ni Mr. Gorospe, ang janitor na inutusan ni Rudy Farinas na magnakaw ng mga papeles sa COA, siya ang kumuha at siya rin ang huli at tanging nakakita ng mga ito.
Bakit ayaw ilabas ni Rudy Farinas ang mga orihinal na dokumento na hawak niya at kanyang mga tauhan?
Source: DCW