SA WAKAS, PINAKAKASUHAN NA NG DOJ ANG MGA OPISYAL NG SMARTMATIC AT COMELEC (MORE BAD NEWS SA SINDIKATO)
Sa isang 41-page resolution, iniutos ng Department of Justice (DOJ) na sampahan na ng kasong criminal ang ilang mga opisyal ng SMARTMATIC at COMELEC dahil sa pagkalikot nila sa script o program ng Transparency Server sa kasagsagan ng bilangan ng mga boto sa 2016 elections.
Pinakakasuhan sa City Prosecutor of Manila ng paglabag sa Sec. 4 (a) (1), (3) at (4) ng Cybercrime Prevention Act o Republic Act No. 10175 sina Marlon Garcia (Project Manager – Smartmatic), Neil Baniqued (Technology Manager – Smartmatic), Mauricio Herrera (Senior Software Engineer – Smartmatic), at ang tatlong COMELEC information technology experts na sina Rouie Peñalba, Nelson Herrera at Frances Mae Gonzales.
Pinaparusahan ng Sec. 4 (a) (1) ang pagkalikot ng computer system na walang otoridad o pahintulot. Habang pinaparusahan naman ng Sec. 4 (a) (3) ang intentional o reckless na pagbago ng computer data. May parusa rin sa Sec. 4 (a) (4) ang paghadlang o pakikialam sa operasyon ng computer at computer network sa pamamagitan ng pag-input, pagbura o pagbago ng computer data at programs na walang otoridad o pahintulot.
Ang lahat ng mga paglabag na ito ay bunsod ng pagkalikot ni Marlon Garcia sa script o program ng Transparency Server. Inamin niyang ginawa niya ito matapos tinawag ang kanilang pansin sa maling spelling ng mga pangalan ng ilang kandidato. Ang tauhan mismo ng Comelec na si Rouie Peñalba ang tumawag sa kanilang pansin. Inirekomenda naman ni Mauricio Herrera kay Marlon Garcia ang pagkalikot kahit pa walang pahintulot ito mula sa COMELEC en banc.
Matatandaan na matapos kinalikot ang script o program sa Transparency Server, kaduda-dudang nagsimulang bumaba ang mahigit 1 milyong boto na lamang ni BBM kay Robredo. Ayon sa mga eksperto, ito ay statistically impossible. Sa loob ng ilang oras lamang, naubos ang lamang ni BBM at nanalo si Robredo.
Ibinasura ng DOJ ang palusot ng SMARTMATIC na “cosmetic change” lang daw ang ginawa nila at hindi naapektuhan ang resulta ng halalan. Ayon sa DOJ, ang Cybercrime Prevention Act ay isang special law kaya hindi elemento sa krimen ang kriminal na intensyon ang mga inaakusahan. Ibig sabihin, kung ipinagbabawal ng batas ang pagkalikot, pagbago, paghadlang at pakikialam sa computer data, system o network, ang paggawa nito ay ang krimen mismo. Hindi depensa ng akusado ang kawalan niya ng kriminal na instensyon.
Ayon sa DOJ, may sapat na ebidensiya laban sa grupo ni Marlon Garcia upang kasuhan sila. Binigyan ng 10 araw ang prosecutor upang maisampa ang kaso at ireport ito DOJ.
Si Marlon Garcia at si Mauricio Herrera ay nakapuslit na at nasa Panama na ngayon.
Makikita natin ngayon kung isusurender ba ng SMARTMATIC ang kanilang mga tauhan na nasangkot sa kasong ito.
Makikita rin natin ngayon kung may bisa ba ang pangako ni Chairman Andres Bautista na ihaharap nila ang mga taong ito sakaling makasuhan.
MAS TUMIBAY NGAYON ANG POSISYON NI BBM SA ISYU NG DAYAAN SA HALALAN.