Ang Alamat Ni Apo Lakay
Ang piling hanay ng talambuhay ni Apo Lakay
ay naging alamat sa kasaysayan ng sandaigdigan
Naglingkod hindi lamang sa inang bayan
Maging ang banyaga, hinirang siyang katuwang
Na mamuno at mapag-isa ang grupong ASEAN
Patungo sa kaunlaran at pangkapayapaan.
ay naging alamat sa kasaysayan ng sandaigdigan
Naglingkod hindi lamang sa inang bayan
Maging ang banyaga, hinirang siyang katuwang
Na mamuno at mapag-isa ang grupong ASEAN
Patungo sa kaunlaran at pangkapayapaan.
Uliran siyang ama na nagsilbing tanod
sa gintong yaman ng Maharlikang pinagbuklod
Tinabas ang sukal, sinuyod ang gulod
Pinatag ang daan, ilaw sa liblib ay umabot
Hinarang at tinipon ang agos ng sapa, batis at ilog,
Ginawang inumin, patubig at ilaw-dagitab nang matapos.
sa gintong yaman ng Maharlikang pinagbuklod
Tinabas ang sukal, sinuyod ang gulod
Pinatag ang daan, ilaw sa liblib ay umabot
Hinarang at tinipon ang agos ng sapa, batis at ilog,
Ginawang inumin, patubig at ilaw-dagitab nang matapos.
-Ang Pahina-
ANG USAPING MAHARLIKA
Ang Pahina: The Unexplained Wealth Only Pres. Marcos Can Reveal
Ang Pahina: The Unexplained Wealth Only Pres. Marcos Can Reveal
ISANG MAKASAYSAYANG ALAMAT ang maikling yugto ng talambuhay ni Pres. Marcos na mag-uugnay kung bakit ang PCGG sa liderato ni Chief Justice Sereno, na itinalaga at dati pang kamag-aral ni Pres. Benigno Simeon Aquino III o higit na kilala sa pangalang Pnoy-Noynoy; ay nagtakda na ang kinita ni Pres. Marcos at Imelda Marcos bilang Pangulo at Gobernadora sa loob ng mga taong 1965 hanggang 1985 ay hindi sapat na halaga upang magkamal ng ganito kalaking kayamanan katulad ng kumpiskadong ari-arian at yaman sa bangko. At dito ibinatay ang hatol ng kataas-taasang Korte Suprema.
Lingid sa kaalaman ng marami na ang matikas at matalinong abogado, Ferdinand E. Marcos ay naging taga-pagtanggol ng Royal Family sa usaping ari-arian pagkatapos ang pagsabog ng WWII. Ang mga usaping ito ay yugto ng mga nagdaang kasaysayan na nag-umpisa matapos ang labanang Amerika, Great Britain at Espanya na kinasangkutan ng hidwaan sa Mindanao at Sabah. Ang Tallano na isang lahing Maharlika o dugong-bughaw na kinabibilangan ng mga prinsesa at prinsipe o hari at reyna ay dating pag-aari ang Isla Filpina (buong Pilipinas) or Maharlika at talaksan ng mga ginto at dito nag-umpisa ang pagdami ng kayaman ni Attorney Ferdinand E. Marcos dahil sa angking katalinuhan na nag-akyat sa kanya sa tugatog ng tagumpay.
Kaya sa panahon ng kanyang pamamahala ang salitang Maharlika ay lumago dahil ito ang simbulo ng tunay na lahing Pilipino. At noong nakipaglaban siya sa mga Hapon, ang salitang Maharlika ang kanyang ginamit sa pag-buo ng sariling pangkat ng gerilya. Para kay Ferdinand E. Marcos, nagtatag siya ng mga samahan sa inilungsad na Bagong Lipunan at dala ang katagang Maharlika sa mga imprastrakturang ipinatayo upang maipabatid sa mga kabataan ang halaga at tatak ng pagka-Maharlika kung saan nagmula ang uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno para madala ng mga susunod pang salinlahi.