Tanging mga matatalinong kabataan lang ang may alam sa tunay na katauhan ng mga Marcos

Written by: Sangkay Janjan
Marami sa mga kabataan ngayon ay marunong nang magsaliksik tungkol sa katotohanan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ngunit may iilan din namang kabataan na mangmang sa totoong kasaysayan lalo na pagdating sa buhay ni President Ferdinand E. Marcos.

Ang mga mangmang na kabataan ay sumasama sa mga protesta laban kontra marcoses dahil nabulag sila sa katotohanan dahil sa mga pekeng libro ng kasaysayan na kanilang binabasa.


Hataw sila sa pagsisisigaw laban sa kakalsadahan laban sa nga Marcos, kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pagiging mangmang sa kasaysayan habang hawak-hawak ang malaking papel na nakasulat "hindi bayani si Marcos".

Subalit kung kung mayroong mangmang, marami din namang matatalinong kabataan na maliwanag sa kanila ang tunay na kasaysayan ng Pilipinas lalo na pagdating kay Pangulong Marcos. Hindi kasi sila nakinig sa paninira kundi nagsaliksik sa kung anong katotohanan.


Matalino sila sapagkat hindi lang nila pinaniwalaan ang mga libro na credited sa mga aquino bagkos nagsaliksik sila sa iba't-ibang libro, sa social media hanggang sa tinimbang nila ito kung alin ngaba ang tama at nakita nila na mas katotohanan ang "Mabuti si Pangulong Marcos".


Kadalasan din sa mga matatalinong kabataan ay may mga itinatanong sila sa mga matatanda tungkol sa pamumuno ni Marcos. Sila ay nakikinig sa kwento ng mga matatanda gaya nalang ng sinasabi nilang noong panahon ni Marcos sagana ang buhay at disiplinado ang mga Pilipino.



Maging ako isa ako sa mga natauhan sa tunay na kasaysayan. Ang inaakala ko noon na masama ang mga Marcos ay kabaliktaran pala sa katotohanan dahil ang mga aquino ay mga tunay na traydor sa bayan at ang mga Marcos pala ang tunay na nagmahal sa lahing Pilipino.


Ang matatalinong kabataan ay sumasaludo sa tunay na kabayanihan ni Pangulong Marcos dahil alam nila ang katotohanang si Marcos ang tunay na na nagmahal sa bayan at hindi sila nagpa-bola sa kamangmangan ng mga libro ng kasaysayan na nagmula sa mga aquino.


Kaya't mensahe ko sa mga kapwa ko kabataan ngayon, magsaliksik kayo sa tunay na kasaysayan. Huwag niyong pakikinggan ang isang side lang na masama raw si Marcos subalit mag saliksik kayo hanggang sa maabot niyo ang totoo.


Mabuhay ang mga matatalinong kabataan na nagsaliksik sa totoong kwento tungkol sa buhay ni Pangulong Marcos at kung paano niya pinagyaman ang Pilipinas noong siya pa ang namumuno na tiningala ang ating lahi ng buong mundo.

Loading...